Awit 89
Sabi ni Jehova: “Magpakarunong Ka, Anak Ko”
Printed Edition
1. Mga kabataan
ibigin n’yo ako
Nang manunuya ko
ay makita ito.
Ang inyong debosyon
kusang ’binibigay;
Para sa akin kayo
ay nabubuhay.
(KORO)
Minamahal na kabataan,
Magpakarunong palagi.
Pagalakin n’yo ang puso ko,
Sa inyong kusang pagpuri.
2. Matuwa, masiyahan sa
paglilingkod sa ’kin,
Madupilas man,
Kayo’y ibabangon din.
Pagtaksilan ma’t
biguin nila kayo,
Ako’y narito na
nagmamahal sa iyo.
(KORO)
Minamahal na kabataan,
Magpakarunong palagi.
Pagalakin n’yo ang puso ko,
Sa inyong kusang pagpuri.
(Tingnan din ang Deut. 6:5; Ecles. 11:9; Isa. 41:13.)