Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb16 Marso p. 7
  • Pagkabuhay-Muli—Naging Posible Dahil sa Pantubos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkabuhay-Muli—Naging Posible Dahil sa Pantubos
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkabuhay-muli
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Bagaman Nagdadalamhati, Hindi Tayo Nawawalan ng Pag-asa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
mwb16 Marso p. 7

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pagkabuhay-Muli​—Naging Posible Dahil sa Pantubos

Matapos magdalamhati ang pamilya at mga kaibigan sa pagkamatay ng isang kabataang babae, naaaliw ang kaniyang kapatid na babae sa pagbubulay-bulay sa pag-asa ng pagkabuhay-muli sa hinaharap

Ang panahon ng Memoryal ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong bulay-bulayin ang mga pagpapala sa hinaharap na naging posible dahil sa pantubos, gaya ng pagkabuhay-muli. Hindi kailanman nilayon ni Jehova na mamatay ang mga tao. Kaya naman napakasakit na mamatayan ng isang mahal sa buhay. (1Co 15:26) Lungkot na lungkot si Jesus nang makita niyang nagdadalamhati ang kaniyang mga alagad sa pagkamatay ni Lazaro. (Ju 11:33-35) Dahil si Jesus ay katulad na katulad ng kaniyang Ama, makatitiyak tayong nalulungkot din si Jehova kapag nakikita niya tayong nagdadalamhati sa pagkamatay ng ating mga mahal sa buhay. (Ju 14:7) Nananabik si Jehova sa panahong bubuhayin niyang muli ang mga lingkod niyang namatay, at dapat na ganoon din tayo.​—Job 14:14, 15.

Yamang si Jehova ay Diyos ng kaayusan, makatuwiran lang na maniwalang magaganap nang maayos ang pagkabuhay-muli. (1Co 14:33, 40) Sa halip na mga libing, baka magkaroon ng mga kaayusan sa pagsalubong sa mga binuhay-muli. Binubulay-bulay mo ba ang pagkabuhay-muli, lalo na sa panahon ng pagdadalamhati? (2Co 4:17, 18) Pinasasalamatan mo ba si Jehova sa paglalaan ng pantubos at sa pagsisiwalat sa Kasulatan na mabubuhay-muli ang mga namatay?​—Col 3:15.

  • Sino sa mga kaibigan at kamag-anak mo ang pinanabikan mong makitang muli?

  • Sino sa mga tauhan sa Bibliya ang gustong-gusto mong makita at makausap?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share