Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 3/1 p. 3
  • Kung Bakit Kailangan Natin ang Kaligtasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Kailangan Natin ang Kaligtasan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mabuhay Magpakailanman ay Hindi Panaginip Lamang
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Paano Madaraig ang Kamatayan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Kamatayan ba ang Katapusan ng Lahat ng Bagay?
    Gumising!—2007
  • Isang Masusing Pagsusuri sa Ilang Haka-haka Tungkol sa Kamatayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 3/1 p. 3
Kumpol ng mga bulaklak na malalanta rin

TAMPOK NA PAKSA | INILILIGTAS TAYO NI JESUS—SAAN?

Kung Bakit Kailangan Natin ang Kaligtasan

“Ang tao, na ipinanganak ng babae, ay maikli ang buhay at lipos ng kaligaligan. Tulad ng bulaklak ay sumisibol siya at pinuputol, at siya ay tumatakas na tulad ng anino at hindi nananatili.”—Job 14:1, 2.

Noon pa man, pinapangarap na ng mga tao na mabuhay nang hindi tumatanda at nagkakasakit. Pero ito ang masaklap na katotohanan: Tayo ay namamatay. Totoo pa rin ang sinabing iyon ni Job mahigit tatlong libong taon na ang nakalipas.

Gustong-gusto ng lahat ng tao na mabuhay magpakailanman. Sinasabi ng Bibliya na inilagay ng Diyos sa ating puso ang pagnanais na mabuhay magpakailanman at maunawaan ito. (Eclesiastes 3:11) Kung gayon, makatuwiran bang isipin na ilalagay sa atin ng isang maibiging Diyos ang pagnanais na imposibleng mangyari? Kung hindi ang sagot mo, tama ka. Tinatawag ng Salita ng Diyos ang kamatayan na kaaway at nangangakong “papawiin” ito.—1 Corinto 15:26.

Kaaway talaga natin ang kamatayan. Walang matinong tao ang gustong mamatay. Kapag may panganib, umiiwas tayo, nagtatago, o tumatakas. Kapag nagkakasakit, humahanap tayo ng paraan para gumaling. Ginagawa natin ang lahat para maiwasan ang mga bagay na maaaring ikamatay natin.

May katibayan ba na papawiin nga ang matagal nang kaaway na ito? Oo, mayroon. Hindi nilalang ng Diyos na Jehova ang tao para mabuhay lang nang ilang taon at pagkatapos ay mamatay. Wala sa kaniyang orihinal na layunin na mamatay ang tao. Layunin niya na ang tao ay mabuhay magpakailanman sa lupa, at anuman ang layunin niya, tinutupad niya.—Isaias 55:11.

Kung gayon, paano wawakasan ang kamatayan? Sa buong kasaysayan, pilit na nilalabanan ng tao ang kamatayan, pero bigo sila. Sa ngayon, patuloy pa ring naghahanap ng lunas ang tao. Nakagawa ang mga siyentipiko ng mga bakuna at paraan na nakagamot sa ilang sakit. Sinuri nila ang henetikong kayarian ng nabubuhay na mga bagay. Sa maraming dako, mas mahaba ang buhay ng mga tao ngayon kaysa noong nakalipas na siglo. Pero hindi pa rin natatalo ang kamatayan. Gaya ng sinasabi ng Bibliya, “lahat ay bumabalik sa alabok.”—Eclesiastes 3:20.

Ang mabuting balita, hindi na natin kailangang umasa sa katalinuhan ng tao para lutasin ang matagal nang problemang ito. Isinaayos na ng Diyos na Jehova na tayo ay maligtas o masagip mula sa kamatayan, at napakahalaga ng papel ni Jesu-Kristo sa kaayusang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share