Awit 150
Maglingkod Kahit Saan
Printed Edition
Alam ni Jah ang kailangan
Para tayo’y lumigaya.
Laan niya’y mga paraan
Para makapaglingkuran.
(KORO)
Maglingkod nang lubos,
para sa ’ting Diyos.
Saan ma’t kailangan, do’n tayo,
taglay pag-ibig.
Bawat lugar, may gawain.
Kahit saan, handa tayo.
Nagmamalasakit tayo.
Tumutulong, nagbibigay.
(KORO)
Maglingkod nang lubos,
para sa ’ting Diyos.
Saan ma’t kailangan, do’n tayo,
taglay pag-ibig.
Dito man o ibang bayan,
Kahit ano sinusubok.
Inaaral ibang wika,
Dala’y mabuting balita.
(KORO)
Maglingkod nang lubos,
para sa ’ting Diyos.
Saan ma’t kailangan, do’n tayo,
taglay pag-ibig.
(Tingnan din ang Juan 4:35; Gawa 2:8; Roma 10:14.)