Awit 95
‘Tikman at Tingnan na si Jehova ay Mabuti’
Printed Edition
1. Pribilehiyo para sa ’tin
Ang maglingkod sa ating Diyos.
Upang ang lahat mapangaralan,
Oras at lakas ibuhos.
(KORO)
Bibliya ay mayr’ong paanyaya:
‘Tingnan kaybuti ni Jah.’
Debosyon sa Diyos ay may ganti,
Gawin nang buong kaya.
2. B’ong-panahong mga lingkod,
Saganang pagpapalain.
Nagtitiwalang Diyos maglalaan,
Kasiyahan tataglayin.
(KORO)
Bibliya ay mayr’ong paanyaya:
‘Tingnan kaybuti ni Jah.’
Debosyon sa Diyos ay may ganti,
Gawin nang buong kaya.
(Tingnan din ang Mar. 14:8; Luc. 21:2; 1 Tim. 1:12; 6:6.)