Kaliwa: Ang huling Pasko ng pamilyang Bethel sa Brooklyn noong 1926; kanan: Napapansin ng mga tao na iba ang mga Saksi ni Jehova
SEKSIYON 3
Mga Pamantayan ng Kaharian—Hinahanap ang Katuwiran ng Diyos
KINAWAYAN mo ang iyong kapitbahay. Nitong nakaraan, napapansin mong madalas ka niyang pinagmamasdan at ang iyong pamilya. Kumaway rin siya at sinabi: “Puwedeng magtanong? Bakit ibang-iba kayo?” “Ano’ng ibig mong sabihin?” ang tanong mo. “Mga Saksi ni Jehova kayo, ‘di ba?” ang sabi niya. “Iba kayo. Hindi kayo katulad ng ibang relihiyon—hindi kayo nagpa-Pasko at hindi kayo nakikisali sa politika at gera. Hindi rin kayo naninigarilyo. At parang ang dise-disente ng pamilya n’yo. Bakit ba ibang-iba kayo?”
Simple lang ang sagot: Namumuhay tayo sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos. Bilang Hari, patuloy tayong dinadalisay ni Jesus. Tinutulungan niya tayong masundan ang kaniyang mga yapak kaya kitang-kita ang kaibahan natin sa napakasamang sanlibutang ito. Sa seksiyong ito, tatalakayin natin kung paano dinadalisay ng Mesiyanikong Kaharian ang bayan ng Diyos sa espirituwal na paraan at pagdating sa mga pamantayang moral at kaayusan ng organisasyon—lahat para sa kaluwalhatian ni Jehova.