Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hayaang Ingatan ng “Kautusan ng Maibiging-Kabaitan” ang Iyong Dila
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 15
    • 18, 19. Bakit hindi dapat mawala sa ating dila ang kautusan ng maibiging-kabaitan kapag nakikitungo sa mga kapananampalataya?

      18 Ang matapat na pag-ibig ay dapat makita sa bawat pakikitungo natin sa ating mga kapananampalataya. Mahirap man ang kalagayan, hindi dapat mawala sa ating dila ang kautusan ng maibiging-kabaitan. Hindi nalugod si Jehova nang maging “parang hamog na maagang naglalaho” ang maibiging-kabaitan ng mga anak ni Israel. (Os. 6:4, 6) Sa kabilang banda naman, nalulugod si Jehova kapag lagi tayong nagpapakita ng maibiging-kabaitan. Paano niya pinagpapala ang mga nagpapakita nito?

  • Bakit Kailangang Laging Nasa Oras?
    Ang Bantayan—2010 | Agosto 15
    • Bakit Kailangang Laging Nasa Oras?

      ISANG hamon ang pagiging nasa oras lalo na kapag mahaba ang biyahe, matindi ang trapik, at punung-punô ang iskedyul. Pero mahalaga ito. Halimbawa sa trabaho, ang isa na laging nasa oras ay itinuturing na maaasahan at masipag. Pero kapag lagi siyang hulí, apektado ang iba, pati na ang kalidad ng trabaho at serbisyo. Kapag laging hulí ang estudyante, hindi niya napapasukan ang ilang klase at naaapektuhan ang grades niya. Kapag hulí sa appointment sa doktor o dentista ang isa, baka makaapekto ito sa paggamot sa kaniya.

      Pero may mga lugar na hindi ganoon kahigpit sa oras. Kapag ganito ang kalagayan, madali nating makakasanayan ang pagiging hulí. Kaya kailangan ang pagsisikap. Malaking tulong kapag alam natin kung gaano kahalaga ang pagiging nasa oras. Bakit kailangan nating maging laging nasa oras? Bagaman mahirap, paano natin ito magagawa? At ano ang mga pakinabang nito?

      Si Jehova​—Laging Nasa Oras

      Gusto nating maging nasa oras dahil gusto nating tularan ang Diyos na sinasamba natin. (Efe. 5:1) Napakagandang halimbawa ni Jehova pagdating sa bagay na ito. Hindi siya kailanman náhuhulí. Lagi siyang nasa iskedyul sa pagtupad ng kaniyang layunin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share