Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ituro ang Katotohanan
    Workbook sa Buhay at Ministeryo—2016 | Agosto
    • PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

      Ituro ang Katotohanan

      Simula sa Setyembre, ang Workbook sa Buhay at Ministeryo ay magkakaroon ng bagong uri ng sampol na presentasyon na may pamagat na “Ituro ang Katotohanan.” Ang tunguhin natin ay itampok ang isang pangunahing katotohanan sa Bibliya, gamit ang isang tanong at isang teksto.

      Kung interesado ang kausap natin, puwede tayong mag-iwan ng isang publikasyon o ipapanood natin sa kaniya ang isang video mula sa jw.org para manabik siya sa susunod na pagdalaw natin. Sikapin nating bumalik sa loob lang ng ilang araw para ituloy ang pag-uusap. Ang bagong mga presentasyon at ang mga bahagi ng estudyante ay ibabatay sa mga paksa sa aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Sa aklat na ito, may makikita tayong karagdagang mga materyal at teksto na tutulong sa atin sa pagdalaw-muli o pagdaraos ng pag-aaral gamit lang ang Bibliya.

      Iisa lang ang daan patungo sa buhay. (Mat 7:13, 14) Dahil iba-iba ang relihiyon at pinagmulan ng mga kausap natin, dapat nating ibahagi sa kanila ang mga katotohanan sa Bibliya na magugustuhan nila bilang indibiduwal. (1Ti 2:4) Habang nasasanay tayong makipag-usap tungkol sa iba’t ibang paksa sa Bibliya at gamitin “nang wasto ang salita ng katotohanan,” madaragdagan ang kagalakan natin, at maituturo natin sa iba ang katotohanan.—2Ti 2:15.

  • Espesyal na Kampanya Para Ipamahagi Ang Bantayan sa Setyembre
    Workbook sa Buhay at Ministeryo—2016 | Agosto
    • PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

      Espesyal na Kampanya Para Ipamahagi Ang Bantayan sa Setyembre

      Ang Bantayan Blg. 5 2016 | Saan Ka Makasusumpong ng Kaaliwan?

      Ang mga tao sa buong mundo ay nangangailangan ng tulong. (Ec 4:1) Sa buong buwan ng Setyembre, iaalok natin Ang Bantayan na nagtatampok ng paksa tungkol sa tulong. Sikaping lubusang maipamahagi ang magasing ito. Pero dahil gusto nating personal na makausap ang mga tao para matulungan sila, hindi tayo mag-iiwan ng magasin sa mga bahay na walang tao.

      KUNG ANO ANG SASABIHIN

      “Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong paminsan-minsan. Pero saan natin ito makikita? [Basahin ang 2 Corinto 1:3, 4.] Tinatalakay ng isyung ito ng Bantayan kung paano tayo tinutulungan ng Diyos.”

      Kapag nagpakita ng interes ang kausap mo at tinanggap ang magasin, . . .

      IPAPANOOD ANG VIDEO NA BAKIT MAGANDANG MAG-ARAL NG BIBLIYA?

      Pagkatapos, mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya.

      ILATAG ANG PUNDASYON PARA SA PAGDALAW-MULI

      Magbangon ng tanong na sasagutin mo sa pagbalik mo, gaya ng “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share