Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb18 Agosto p. 7
  • Namatay Rin si Jesus Para sa Kapatid Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Namatay Rin si Jesus Para sa Kapatid Mo
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Introduksiyon sa Roma
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Video ng Introduksiyon sa Aklat ng Roma
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
mwb18 Agosto p. 7
Nagsasalita si Jesus sa kaniyang mga tagasunod

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Namatay Rin si Jesus Para sa Kapatid Mo

Namatay si Jesus para sa mga taong di-sakdal. (Ro 5:8) Talagang malaki ang utang na loob natin kay Jesus dahil minahal niya tayo at ibinigay ang kaniyang buhay para sa atin. Pero kung minsan, kailangan nating alalahanin na namatay rin si Jesus para sa ating mga kapatid. Paano tayo makapagpapakita ng tulad-Kristong pag-ibig sa ating mga kapatid, na gaya natin ay hindi rin sakdal? May tatlong paraan. Una, puwede tayong magpalawak at kaibiganin ang mga taong iba ang pinagmulan. (Ro 15:7; 2Co 6:12, 13) Ikalawa, maging maingat tayo sa ating sinasabi at ginagawa para hindi makasakit sa iba. (Ro 14:13-15) At kung may magkasala sa atin, patawarin natin siya agad-agad. (Luc 17:3, 4; 23:34) Kung sisikapin nating tularan si Jesus, patuloy na maglalaan si Jehova ng kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING MAS MAHUSAY NA KRISTIYANO! PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Tinanggap si Miki sa bago niyang kongregasyon

    Noong una, ano ang tingin ni Miki sa kaniyang kongregasyon?

  • Naiinis si Miki sa ilang kapatid sa kongregasyon

    Bakit nagbago ang kaniyang damdamin?

  • Mabait si Jesus sa kaniyang mga apostol kahit tinulugan nila siya

    Paano nakatulong ang halimbawa ni Jesus para maituwid ni Miki ang kaniyang pananaw? (Mar 14:38)

  • Tumawa si Miki nang mabangga siya ng isang bata at mabasa ng kaniyang iniinom

    Paano makakatulong ang Kawikaan 19:11 para maging positibo ang pananaw natin sa mga kapatid?

PARA SA PAGBUBULAY-BULAY:

Naghihinanakit ba ako dahil sa mga kasalanang nagawa sa akin na puwede ko nang palampasin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share