Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Halik
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • 12 anak, siya’y pumanaw, at “sumubsob si Jose sa mukha ng kaniyang ama at tumangis sa kaniya at hinalikan siya.” (Gen 49:33–50:1) Hinalikan din ni Samuel si Saul nang pahiran niya siya bilang unang hari ng Israel.​—1Sa 10:1.

      Ang isang magiliw na pagbati ay nilalakipan ng paghalik, marahil ay may kasamang pagtangis at pagyakap. (Gen 33:4) Sa ilustrasyon ni Jesu-Kristo, ang ama ng alibughang nagbalik ay sumubsob sa leeg ng kaniyang anak at “magiliw siyang hinalikan.” (Luc 15:20) May kasama ring paghalik ang isang maibiging pamamaalam. (Gen 31:55; Ru 1:9, 14) Noong malapit nang lisanin ni Pablo ang Mileto, lubhang naantig ang matatandang lalaki ng kongregasyon ng Efeso anupat sila’y tumangis at ‘sumubsob sa leeg ni Pablo at magiliw siyang hinalikan.’​—Gaw 20:17, 37.

      Pahapyaw na binabanggit ng Bibliya ang mga halik na kaugnay ng pag-iibigan ng mga di-magkasekso. (Sol 1:2; 8:1) Sa pagpapayo nito na magbantay laban sa mga pakana ng babaing balakyot, ang aklat ng Mga Kawikaan ay nagbababala tungkol sa mapang-akit na halik ng isang patutot.​—Kaw 7:13.

      May mga halik na maaaring paimbabaw. Palibhasa’y may-katusuhang naghahangad ng kapangyarihan, hinalikan ni Absalom ang mga taong lumalapit upang yumukod sa kaniya. (2Sa 15:5, 6) Ang halik ng taksil na si Joab ay nangahulugan ng kamatayan sa walang kahina-hinalang si Amasa. (2Sa 20:9, 10) Gayundin, sa pamamagitan ng isang mapandayang halik ay ipinagkanulo ni Hudas Iscariote si Jesu-Kristo.​—Mat 26:48, 49; Mar 14:44, 45.

      Huwad na Pagsamba. Ang paghalik bilang isang gawa ng pagsamba sa huwad na mga diyos ay ipinagbawal ni Jehova, na bumanggit ng 7,000 lalaking hindi nagluhod ng tuhod kay Baal at hindi humalik sa kaniya. (1Ha 19:18) Sinaway ang Efraim dahil sa paggawa ng mga idolo at sa pagsasabing: “Halikan ng mga taong tagapaghain ang hamak na mga guya.” (Os 13:1-3) May kaugalian naman ang mga Griego at mga Romano na maghagis ng halik sa kanilang mga idolo sa pamamagitan ng kanilang kamay, kapag ang mga ito ay malayo sa kanila, at sa ganitong paraan din nila binabati ang sumisikat na araw. Maaaring tinutukoy ng Job 31:27 ang isang katulad na idolatrosong kaugalian.

      Ang “Banal na Halik.” Sa gitna ng unang mga Kristiyano, may tinatawag noon na “banal na halik” (Ro 16:16; 1Co 16:20; 2Co 13:12; 1Te 5:26) o “halik ng pag-ibig” (1Pe 5:14), anupat posibleng ipinagkakaloob sa mga kasekso. Ang sinaunang Kristiyanong paraan na ito ng pagbati ay maaaring katumbas ng sinaunang kaugaliang Hebreo na pagbati sa pamamagitan ng halik. Bagaman ang Kasulatan ay hindi naglalaan ng mga detalye, maliwanag na masasalamin sa “banal na halik” o “halik ng pag-ibig” ang nakapagpapatibay na pag-ibig at pagkakaisang umiiral sa kongregasyong Kristiyano.​—Ju 13:34, 35.

      Makasagisag na Paggamit. Ang paghalik, bilang pagpapamalas ng paggalang at debosyon, ay binabanggit sa kinasihang payo na ‘maglingkod kay Jehova nang may takot’ at ‘hagkan ang anak, upang hindi Siya magalit at hindi kayo malipol mula sa daan.’ (Aw 2:11, 12) Ang mga taong malugod na tumutugon at nagpapasakop sa isa na inatasan ng Diyos bilang Hari at sa kaniyang Kaharian ay tatanggap ng saganang mga pagpapala kapag dumating ang panahon na maaari nang sabihin: “Ang katuwiran at ang kapayapaan​—sila ay naghalikan,” dahil magiging malinaw sa lahat na ang kaugnayan ng dalawang ito ay gaya ng malapít na pagsasamahan ng magiliw na magkakaibigan.​—Aw 85:10.

  • Halkon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • HALKON

      [sa Heb., nets; sa Ingles, falcon].

      Naniniwala ang makabagong mga leksikograpo na ang terminong Hebreo na nets ay tumutukoy sa mga halkon, bagaman ipinapalagay ng ilan na saklaw rin nito ang mga lawin, na kahawig na kahawig ng mga halkon bagaman inuuri ng mga ornitologo bilang isang bukod na grupo ng “pamilya.” Palibhasa’y isang maninila na kumakain ng mga ahas, butiki, maliliit na mamalya, at iba pang mga ibon, “ang halkon ayon sa uri nito” (“ang lawin sa iba’t ibang uri nito,” AT) ay kasama sa mga ibon na itinalagang “marumi” sa Kautusang Mosaiko.​—Lev 11:16; Deu 14:15.

      May mga halkon na kakompetensiya ng mga sibad bilang mga ibong pinakamabibilis lumipad, anupat isang halkon ang namataang bumubulusok sa bilis na 290 km/oras (180 mi/oras). Ang isa sa mga halkon na matatagpuan sa Palestina ay ang peregrine falcon (Falco peregrinus), na nandarayuhan at karaniwang dumaraan doon. Naroon din ang mas malalaking lanner falcon (Falco biarmicus), na dati’y naglipana sa mga dalisdis at mababatong bangin mula sa Bundok Hermon hanggang sa Dagat na Patay. Ang mga saker falcon (Falco cherrug) ay nakikita paminsan-minsan sa kanlurang Negev.

      Ang mas maliit na common kestrel (Falco tinnunculus), na mga 36 na sentimetro (14 na pulgada) ang haba, ay miyembro rin ng genus ng halkon. Buong-taon ay naglipana ang mga ito sa lahat ng agrikultural na pamayanan at mga hardin sa Palestina. Namumugad pa nga ito sa malalaking gusali sa mga lunsod.

      Inilalarawan ng Job 39:26 ang ginagawa ng halkon na ‘pagpapaimbulog at pag-uunat ng kaniyang mga pakpak sa hanging timugan,’ at ipinapalagay ng ilan na tumutukoy ito sa pandarayuhan sa timog

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share