Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mehetabel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • 1. Anak na babae ng babaing si Matred at asawa ng Edomitang si Haring Hadar (Hadad).​—Gen 36:31, 39; 1Cr 1:50.

      2. Ninuno (malamang na lolo) ng Semaias na inupahan nina Tobia at Sanbalat upang sikaping udyukan si Nehemias na magkasala dahil sa takot.​—Ne 6:10-14.

  • Mehida
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEHIDA

      Ninuno ng isang pamilya ng mga Netineo na ang “mga anak” o mga inapo ay bumalik sa Juda mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.​—Ezr 2:1, 2, 43, 52; Ne 7:54.

  • Mehir
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEHIR

      [posible, Halaga].

      Isang lalaki na mula sa tribo ni Juda na anak ni Kelub (Caleb) at “ama ni Eston.”​—1Cr 4:1, 11.

  • Meholatita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEHOLATITA

      [Ng (Mula sa) Abel-mehola].

      Katawagan kay Adriel (manugang ni Saul) at sa kaniyang amang si Barzilai. (1Sa 18:19; 2Sa 21:8) Maliwanag na ipinakikita nito na sila’y mula sa bayan ng Abel-mehola.​—Tingnan ang ABEL-MEHOLA.

  • Mehujael
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEHUJAEL

      [Sinaktan ng Diyos].

      Apo sa tuhod ni Cain. Si Mehujael ang ama ni Metusael at lolo ni Lamec (hindi ang Lamec na inapo ni Set).​—Gen 4:17, 18.

  • Mehuman
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEHUMAN

      Isa sa mga opisyal ng korte ng Persianong si Haring Ahasuero (Jerjes I) na namahala noong mga araw nina Mardokeo at Esther. Si Mehuman ang unang binanggit sa pitong opisyal ng korte na inutusan ni Ahasuero na magdala kay Reyna Vasti sa harap nito.​—Es 1:10, 11.

  • Me-jarkon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • ME-JARKON

      [Tubig ng Jarkon].

      Naniniwala ang ilang iskolar na ang Me-jarkon sa teritoryo ng Dan (Jos 19:40, 41, 46) ay ang Nahr el-ʽAuja (Nahal Yarqon), na pumapasok sa Dagat Mediteraneo mga 6 na km (3.5 mi) sa HHS ng Jope. Ang bukal nito, na isa sa pinakamalalaking bukal sa Palestina, ay mga 20 km (12 mi) papaloob mula sa baybayin malapit sa iminumungkahing lokasyon ng Apek (Blg. 3).

      Ipinapalagay naman ng iba na maaaring ang orihinal na tekstong Hebreo, tulad ng Griegong Septuagint, ay kababasahan ng ‘at sa kanluran [o, sa dagat] ay ang Jarkon.’ Ang Tell Qasileh (Tel Qasila), na nasa loob ng mga hangganan ng Tel Aviv-Yafo (Jope), ay iminumungkahi bilang posibleng lokasyon ng Jarkon.

  • Mekeratita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MEKERATITA

      Isang termino na nauukol sa isang tao o lugar na pinanganlang Mekera, na dito ay iniugnay si Heper, isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, dahil sa angkang pinagmulan o dating tirahan nito. (1Cr 11:26, 36) Iminumungkahi ng ilang iskolar na ang “Mekeratita” ay maaaring ibang anyo ng “Maacatita,” gaya ng nasa 2 Samuel 23:34.

  • Melatias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MELATIAS

      [Si Jah ay Naglaan ng Pagtakas].

      Isang Gibeonita na tumulong sa pagkukumpuni ng isang bahagi ng pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias noong 455 B.C.E.​—Ne 3:7.

  • Melea
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MELEA

      Isang ninuno ni Jesu-Kristo sa panig ng ina na nabuhay di-nagtagal pagkamatay ni Haring David.​—Luc 3:31.

  • Melec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MELEC

      [Hari].

      Isa sa mga anak ni Mikas at isang inapo ni Haring Saul ng Israel, sa katunayan, apo sa tuhod ng anak ni Saul na si Jonatan.​—1Cr 8:33-35; 9:39-41.

  • Melqui
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MELQUI

      [mula sa Heb., nangangahulugang “Aking Hari”]. Ang pangalan ng dalawang ninuno ni Jesu-Kristo sa panig ng ina.

      1. Ang “anak” (o inapo) ni Adi at ama (o ninuno) ni Neri.​—Luc 3:27, 28.

      2. Ang “anak” (o inapo) ni Jannai at ama (o ninuno) ni Levi.​—Luc 3:23, 24.

  • Melquisedec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • MELQUISEDEC

      [Hari ng Katuwiran].

      Hari ng sinaunang Salem at “saserdote ng Kataas-taasang Diyos,” na si Jehova. (Gen 14:18, 22) Siya ang unang saserdote na binanggit sa Kasulatan; hinawakan niya ang katungkulang iyon bago ang 1933 B.C.E. Palibhasa’y hari ng Salem, nangangahulugang “Kapayapaan,” si Melquisedec ay tinukoy ng apostol na si Pablo bilang “Hari ng Kapayapaan” at, batay naman sa kaniyang pangalan, bilang “Hari ng Katuwiran.” (Heb 7:1, 2) Ipinapalagay na ang sinaunang Salem ang pinagmulan ng lunsod ng Jerusalem, at ang pangalan nito ay inilakip sa pangalan ng Jerusalem, na kung minsan ay tinatawag na “Salem.”​—Aw 76:2.

      Matapos talunin ni Abram (Abraham) si Kedorlaomer at ang kaniyang mga kakamping hari, pumaroon ang patriyarka sa Mababang Kapatagan ng Save o “Mababang Kapatagan ng hari.” Doon ay “naglabas ng tinapay at alak” si Melquisedec at pinagpala si Abraham, na sinasabi: “Pagpalain si Abram ng Kataas-taasang Diyos, ang Maygawa ng langit at lupa; at pagpalain ang Kataas-taasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga maniniil sa iyong kamay!” Sa gayon ay binigyan ni Abraham ang haring-saserdote ng “ikasampu ng lahat ng bagay,” samakatuwid nga, ng “mga pangunahing samsam” na nakuha niya sa kaniyang matagumpay na pakikipagdigma laban sa magkakaalyadong hari.​—Gen 14:17-20; Heb 7:4.

      Lumarawan sa Pagkasaserdote ni Kristo. Sa isang mahalagang Mesiyanikong hula, sinabi ni Jehova sa “Panginoon” ni David bilang Kaniyang ipinanatang sumpa: “Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec!” (Aw 110:1, 4) Dahil sa kinasihang awit na ito, kinilala ng mga Hebreo na hahawakan ng ipinangakong Mesiyas ang katungkulan kapuwa ng saserdote at ng hari. Sa liham ng apostol na si Pablo sa mga Hebreo, tiniyak niya ang pagkakakilanlan ng isa na inihula, anupat tinukoy “si Jesus, na naging isang mataas na saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec magpakailanman.”​—Heb 6:20; 5:10; tingnan ang TIPAN.

      Tuwirang hinirang. Maliwanag na si Jehova ang humirang kay Melquisedec upang maging saserdote. Nang talakayin ni Pablo ang katayuan ni Jesus bilang dakilang Mataas na Saserdote, sinabi niya na ang isang tao ay hindi tumatanggap ng karangalan “ayon sa kaniyang sariling kagustuhan, kundi tangi lamang kung tinawag siya ng Diyos, na gaya rin ni Aaron.” Ipinaliwanag din niya na “hindi niluwalhati ng Kristo ang kaniyang sarili sa pagiging mataas na saserdote, kundi niluwalhati niyaong nagsalita may kinalaman sa kaniya: ‘Ikaw ang aking anak; ako, ngayon, ako ay naging iyong ama,’⁠” at pagkatapos ay ikinapit ng apostol kay Jesu-Kristo ang makahulang mga salita ng Awit 110:4.​—Heb 5:1, 4-6.

      ‘Tumanggap ng mga ikapu mula kay Levi.’ Ang katayuan ni Melquisedec bilang saserdote ay hindi kaugnay ng pagkasaserdote sa Israel, at gaya ng ipinakikita ng Kasulatan, iyon ay nakahihigit sa Aaronikong pagkasaserdote. Ang isang salik na nagpapahiwatig nito ay ang paggalang na ipinakita kay Melquisedec ni Abraham, ang ninuno ng buong bansang Israel, pati na ng makasaserdoteng tribo ni Levi. Si Abraham, ang “kaibigan ni Jehova,” na naging “ama ng lahat niyaong may pananampalataya” (San 2:23; Ro 4:11), ay nagbigay ng ikasampu, o “ikapu,” sa saserdoteng ito ng Kataas-taasang Diyos. Ipinakita ni Pablo na ang mga Levita ay lumikom ng mga ikapu mula sa kanilang mga kapatid, na lumabas din mula sa mga balakang ni Abraham. Gayunman, itinawag-pansin niya na si Melquisedec “na ang talaangkanan ay hindi matatalunton mula sa kanila ay tumanggap ng mga ikapu mula kay Abraham,” at “sa pamamagitan ni Abraham maging si Levi na tumatanggap ng mga ikapu ay nagbayad ng mga ikapu, sapagkat siya ay nasa mga balakang pa ng kaniyang ninuno nang salubungin siya ni Melquisedec.” Kaya bagaman ang mga Levitikong saserdote ay tumanggap ng mga ikapu mula sa bayan ng Israel, sila naman, na kinatawanan ng kanilang ninunong si Abraham, ay nagbayad ng mga ikapu kay Melquisedec. Bukod diyan, masasabing nakahihigit ang pagkasaserdote ni Melquisedec sapagkat pinagpala niya si Abraham, anupat itinawag-pansin ni Pablo na “ang mababa ay pinagpapala ng mas dakila.” Sa gayong mga kadahilanan, si Melquisedec ay angkop na lumarawan sa dakilang Mataas na Saserdote na si Jesu-Kristo.​—Heb 7:4-10.

      Walang mga hinalinhan ni mga kahalili. Malinaw na ipinakita ni Pablo na ang kasakdalan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng Levitikong pagkasaserdote, sa gayon ay kailangan ang isang saserdote “ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.” Itinawag-pansin niya na si Kristo ay nagmula sa Juda, isang di-makasaserdoteng tribo, ngunit binanggit niya ang pagkakatulad ni Jesus kay Melquisedec at ipinakita na si Jesus ay naging saserdote “hindi ayon sa kautusan ng isang utos na nakasalig sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na di-masisira.” Si Aaron at ang kaniyang mga anak ay naging mga saserdote nang walang sumpa, ngunit ang pagkasaserdote ni Kristo ay iginawad sa pamamagitan ng isang sumpa ni Jehova. Gayundin, samantalang ang mga Levitikong saserdote ay namamatay at kinakailangang halinhan, ang binuhay-muling si Jesu-Kristo “palibhasa’y nananatiling buháy magpakailanman ay nagtataglay ng kaniyang pagkasaserdote nang walang mga kahalili” at sa gayon ay magagawa niyang “iligtas nang lubusan yaong mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya ay laging buháy upang makiusap para sa kanila.”​—Heb 7:11-25.

      Paanong si Melquisedec ay “walang pasimula ng mga araw ni wakas ng buhay”?

      Itinampok ni Pablo ang isang namumukod-tanging katotohanan tungkol kay Melquisedec nang sabihin niya: “Sa pagiging walang ama, walang ina, walang talaangkanan, walang pasimula ng mga araw ni wakas ng buhay, kundi ginawang tulad ng Anak ng Diyos, siya ay nananatiling isang saserdote nang walang hanggan.” (Heb 7:3) Tulad ng ibang mga tao, si Melquisedec ay ipinanganak at siya ay namatay. Gayunman, hindi binanggit ang mga pangalan ng kaniyang ama at ina, hindi sinabi kung saang angkan siya nagmula at kung sino ang naging mga supling niya, at walang impormasyon sa Kasulatan tungkol sa pasimula ng kaniyang mga araw o sa wakas ng buhay niya. Kaya si Melquisedec ay angkop na lumarawan kay Jesu-Kristo, na ang pagkasaserdote ay walang wakas. Kung paanong walang binabanggit sa ulat na may hinalinhan si Melquisedec sa pagkasaserdote o na may naging kahalili niya, si Kristo rin ay walang hinalinhang mataas na saserdoteng katulad niya, at ipinakikita ng

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share