Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 13 p. 16
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Epektibong Introduksiyon
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Tumatagos sa Puso
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • May Matututuhan
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 13 p. 16

ARALIN 13

Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay

Binanggit na teksto

Kawikaan 3:21

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan ang kahalagahan ng iyong paksa sa buhay nila, at ipakita kung ano ang gagawin nila sa natutuhan nila.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Pag-isipan kung bakit kailangan nilang marinig ang impormasyong sasabihin mo, at isipin kung anong punto sa paksa ang partikular na makakatulong sa kanila.

  • Sa buong pahayag mo o presentasyon, ipakita sa mga tagapakinig kung ano ang gagawin nila. Sa umpisa pa lang, dapat na maisip ng bawat tagapakinig, ‘Makakatulong sa akin ito.’ Sa pagtalakay mo sa bawat pangunahing punto, ipakita kung paano nila ito magagamit. Maging espesipiko.

    Praktikal na tip

    Kapag tinatalakay kung paano susundin ang mga simulain ng Bibliya, ipadama sa mga tagapakinig ang pagmamahal at pagmamalasakit mo. Sa halip na konsensiyahin sila, patibayin ang pag-ibig at pananampalataya nila. Magtiwala na uudyukan sila ng puso nila na gawin ang tama.

SA MINISTERYO

Kapag naghahanda para mangaral, isipin kung ano ang nasa balita o kung saan interesado ang mga tao sa teritoryo ninyo. Ibagay ang sasabihin mo sa ikinababahala nila. Gumamit ng angkop na mga tanong para malaman mo ang ikinababahala nila at kung saan sila interesado. Pakinggan ang sagot nila, at ibagay ang sasabihin mo para makatulong ka sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share