Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 7 p. 10
  • Tumpak at Nakakakumbinsi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumpak at Nakakakumbinsi
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Katumpakan ng Pananalita
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Angkop na Introduksiyon sa Teksto
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Paggamit ng mga Tanong
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 7 p. 10

ARALIN 7

Tumpak at Nakakakumbinsi

Binanggit na teksto

Lucas 1:3

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Gumamit ng mapagkakatiwalaang mga ebidensiya para matulungan ang mga tagapakinig na makabuo ng tamang konklusyon.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Gumamit ng mapagkakatiwalaang reperensiya. Ibatay sa Salita ng Diyos ang mga sasabihin mo; basahin mo mismo ang nasa Bibliya hangga’t maaari. Kung may babanggitin ka tungkol sa siyensiya, isang balita, isang karanasan, o iba pang ebidensiya, tiyakin mong mapagkakatiwalaan at bago ang reperensiya mo.

  • Gamitin ang reperensiya sa tamang paraan. Ipaliwanag ang mga teksto ayon sa konteksto nito, kabuoang mensahe ng Bibliya, at sa sinasabi ng mga publikasyong mula sa “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45) Gamitin ang mga reperensiyang hindi salig sa Bibliya ayon sa konteksto ng mga ito at intensiyon ng manunulat.

    Praktikal na tip

    Huwag daragdagan o sosobrahan ang mga detalye at numero. Maging maingat para ang “ilang tao” ay hindi mo masabing “karamihan sa mga tao,” ang “kung minsan” ay hindi maging “palagi,” at ang “posible” ay hindi maging “malamang.”

  • Mangatuwiran batay sa ebidensiya. Pagkatapos magbasa ng isang teksto o bumanggit ng isang reperensiya, gumamit ng mataktikang mga tanong o paglalarawan para matulungan ang mga tagapakinig na makabuo ng sarili nilang konklusyon.

SA MINISTERYO

Kapag naghahanda ka sa pangangaral, isipin kung ano ang mga posibleng itanong sa iyo, at mag-research kung paano masasagot ang mga ito. Kung magtanong ang kausap mo at hindi mo alam ang sagot, sabihin mong magre-research ka muna at babalikan mo siya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share