-
Talaan ng mga NilalamanAng Bantayan—2012 | Setyembre 1
-
-
© 2012 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved.
-
-
May Malasakit ba ang Diyos sa mga Babae?Ang Bantayan—2012 | Setyembre 1
-
-
May Malasakit ba ang Diyos sa mga Babae?
“Sa babae nagsimula ang kasalanan, at salamat sa kaniya dahil lahat tayo ay namamatay.”—ECCLESIASTICUS, IKALAWANG SIGLO B.C.E.
“Kayo ang pintuang-daan ng diyablo: kayo ang unang kumain mula sa ipinagbabawal na puno: kayo ang unang lumabag sa utos ng Diyos . . . Kayo ang umakay sa unang lalaki na magkasala.”—TERTULLIAN, ON THE APPAREL OF WOMEN, IKALAWANG SIGLO C.E.
ANG sinaunang mga pananalitang iyan ay hindi mula sa Bibliya. Pero sa loob ng daan-daang taon, ginamit ang mga iyan para ipagmatuwid ang diskriminasyon sa mga babae. Kahit sa ngayon, may gumagamit pa rin ng mga pananalita mula sa relihiyosong mga aklat para ipagmatuwid ang pagmamaltrato sa mga babae, anupat sinasabing ang mga babae ang dapat sisihin sa mga problema ng sangkatauhan. Talaga bang nilayon ng Diyos na hamakin at abusuhin ng mga lalaki ang mga babae? Ano ang sinasabi ng Bibliya? Tingnan natin.
Isinumpa ba ng Diyos ang mga babae?
Hindi. Ang “orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo,” ang “isinumpa” ng Diyos. (Apocalipsis 12:9; Genesis 3:14) Nang sabihin ng Diyos na “pamumunuan” ni Adan ang kaniyang asawa, hindi ipinahihiwatig ng Diyos na sinasang-ayunan niya ang paniniil ng lalaki sa babae. (Genesis 3:16) Inihuhula lang niya ang mapapait na ibubunga ng kasalanan sa unang mag-asawa.
Kaya ang pang-aabuso sa mga babae ay direktang resulta ng pagiging makasalanan ng mga tao, at hindi ito kalooban ng Diyos. Hindi sinusuportahan ng Bibliya ang ideya na dapat siilin ng mga lalaki ang mga babae bilang kabayaran sa orihinal na kasalanan.—Roma 5:12.
Nilalang ba ng Diyos ang babae na nakabababa sa lalaki?
Hindi. Sinasabi ng Genesis 1:27: “Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.” Kaya sa pasimula pa lang, ang lalaki at babae ay parehong nilalang na may kakayahang magpakita ng mga katangian ng Diyos. Bagaman magkaiba ang emosyonal at pisikal na kayarian nina Adan at Eva, pareho ang mga tagubiling tinanggap nila at pareho rin ang mga karapatang tinamasa nila sa harap ng kanilang Maylikha.—Genesis 1:28-31.
Si Eva ay nilalang bilang katuwang at kapupunan ni Adan
Bago lalangin si Eva, sinabi ng Diyos: “Gagawa ako ng isang katulong para sa kaniya [kay Adan], bilang kapupunan niya.” (Genesis 2:18) Ipinahihiwatig ba ng salitang “kapupunan” na
-