Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lamec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Tubal-cain, “ang panday ng bawat uri ng kasangkapang tanso at bakal,” at ang isang babae na nagngangalang Naama.​—Gen 4:22.

      Ang tulang kinatha ni Lamec para sa kaniyang mga asawa (Gen 4:23, 24) ay nagpapabanaag sa marahas na saloobin ng mga tao noong panahong iyon. Ang tula ni Lamec ay nagsasabi: “Dinggin ninyo ang aking tinig, kayong mga asawa ni Lamec; pakinggan ninyo ang aking pananalita: Isang lalaki ang pinatay ko dahil sinugatan ako, oo, isang kabataang lalaki dahil sa panununtok sa akin. Kung pitong ulit na ipaghihiganti si Cain, kung gayon si Lamec ay pitumpung ulit at pito.” Maliwanag na naghaharap si Lamec ng isang kaso ng pagtatanggol sa sarili, anupat nangangatuwiran na ang ginawa niya ay hindi sinasadyang pagpaslang, na gaya niyaong kay Cain. Inangkin ni Lamec na bilang pagtatanggol sa kaniyang sarili, napatay niya ang lalaki na nanakit at sumugat sa kaniya. Samakatuwid, ang kaniyang tula ay nagsisilbing pakiusap na huwag siyang patayin ng sinumang naghahangad na ipaghiganti ang lalaking dumaluhong sa kaniya.

      Lumilitaw na walang sinuman sa mga inapo ni Cain, kabilang na rito ang mga supling ni Lamec, ang nakaligtas sa Baha.

      2. Isang inapo ni Set; anak ni Matusalem at ama ni Noe. (Gen 5:25, 28, 29; 1Cr 1:1-4) Nagpang-abot din ang buhay ng Lamec na ito at ni Adan. Si Lamec ay nanampalataya sa Diyos, at pagkatapos na tawaging Noe (malamang na nangangahulugang “Kapahingahan; Kaaliwan”) ang pangalan ng kaniyang anak, sinabi niya: “Ang isang ito ay magdadala sa atin ng kaaliwan sa ating gawa at sa kirot ng ating mga kamay dahil sa lupang isinumpa ni Jehova.” (Gen 5:29) Natupad ang mga salitang ito nang ang sumpa sa lupa ay alisin noong panahong nabubuhay si Noe. (Gen 8:21) Nagkaroon si Lamec ng iba pang mga anak na lalaki at babae. Nabuhay siya nang 777 taon, anupat namatay mga limang taon bago ang Baha. (Gen 5:30, 31) Ang kaniyang pangalan ay nakasulat sa talaangkanan ni Jesu-Kristo sa Lucas 3:36.

  • Lamed
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • LAMED

      [ל].

      Ang ika-12 titik sa alpabetong Hebreo. Ang lamed ay karaniwan nang katumbas ng Ingles na “l.” Sa Hebreo, ginamit ng salmista ang titik na ito sa pasimula ng bawat isa sa walong talata sa Awit 119:89-96.

  • Lami
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • LAMI

      [Aking Tinapay].

      Ang kapatid ni Goliat na Giteo. Ang ulat sa 1 Cronica 20:5 ay kababasahan, sa isang bahagi nito, “pinabagsak ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na Giteo,” sa isang pakikipagdigma sa mga Filisteo. Gayunman, sa katulad na teksto sa 2 Samuel 21:19 ay mababasa: “Pinabagsak ni Elhanan na anak ni Jaare-oregim na Betlehemita si Goliat na Giteo.” Sa huling nabanggit na teksto, lumilitaw na ang ʼeth-lach·miʹ (sa Tagalog, “Lami,” anupat ipinahihiwatig lamang ng terminong Hebreo na ʼeth na ang Lami ang layon ng isang pandiwa) ay may-kamaliang binasa ng isang tagakopya bilang behth hal·lach·miʹ (“Betlehemita”). Samakatuwid, malamang na ang orihinal ay kababasahan ng, ‘pinabagsak si Lami,’ gaya ng mababasa sa katulad na teksto sa 1 Cronica 20:5. Pagtutugmain nito ang dalawang teksto sa puntong ito. Kaya maliwanag na si Lami ay kapatid ng Goliat na pinatay ni David. Sa kabilang dako naman, posible na may dalawang Goliat.​—Tingnan ang GOLIAT.

  • Lamok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • LAMOK

      [sa Heb., qeʹrets].

      Alinman sa napakarami at sari-saring uri ng insektong may dalawang pakpak, bilog ang ulo at may mga binting mahahaba, balingkinitan at lima ang hugpungan. Ang mga babaing lamok ay may matibay na proboscis na ipinantutusok nila sa balat ng tao at mga hayop upang makasipsip ng dugo. Ang salitang Hebreo na isinaling “lamok” (NW) ay lumitaw bilang pangngalan tanging sa Jeremias 46:20, kung saan ginamit ito upang kumatawan sa mga Babilonyong nasa ilalim ng pamamahala ni Nabucodonosor, ang kaaway mula sa hilaga na darating laban sa Ehipto, ang ‘magandang dumalagang baka.’

  • Lampara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Isang sisidlang ginagamit upang makagawa ng artipisyal na liwanag. Mayroon itong mitsa na pampaningas ng mga likidong madaling magliyab gaya ng langis, anupat sinisipsip ng mitsa ang fluido na nagsisilbi namang gatong ng liyab ng apoy. Ang mga mitsa ay gawa sa lino (Isa 42:3; 43:17), binalatang tangkay ng halamang hungko, o abaka. Langis ng olibo ang fluido na karaniwang ipinampapaningas sa mga sinaunang lampara (Exo 27:20), bagaman ginagamit din noon ang langis mula sa punong terebinth.

      [Larawan sa pahina 169]

      Sinaunang lampara na napapalamutian ng disenyo ng isang menora (kandelerong Judio)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share