Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 10 p. 13
  • Pagbabago-bago ng Boses

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbabago-bago ng Boses
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Angkop na Lakas ng Tinig
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Alkitran
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 10 p. 13

ARALIN 10

Pagbabago-bago ng Boses

Binanggit na teksto

Kawikaan 8:4, 7

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Itawid nang malinaw ang mga ideya at abutin ang damdamin ng tagapakinig sa pamamagitan ng pagbabago-bago ng lakas at tono ng boses at ng bilis ng pagsasalita.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Iba-ibahin ang lakas ng boses. Lakasan ang boses para idiin ang mahahalagang punto at pakilusin ang mga tagapakinig. Ganoon din ang gawin kapag bumabasa ng mga hatol mula sa Bibliya. Hinaan ang boses para panabikin ang tagapakinig sa susunod mong sasabihin o kapag nagpapahayag ng pagkatakot o pagkabahala.

    Praktikal na tip

    Huwag lakasan ang boses nang napakadalas para hindi madama ng mga tagapakinig na pinagagalitan sila. Huwag maging masyadong madamdamin sa pagsasalita dahil baka sa iyo mapunta ang atensiyon ng mga tagapakinig, hindi sa itinuturo mo.

  • Iba-ibahin ang tono ng boses. Kung angkop sa inyong wika, itaas ang tono ng boses para magpakita ng sigla o magpahiwatig ng laki o layo. Babaan naman ang tono ng boses para magpahayag ng lungkot o pagkabahala.

  • Iba-ibahin ang bilis ng pagsasalita. Magsalita nang mas mabilis para magpahayag ng pananabik. Magsalita nang mas mabagal kapag may sinasabing mahahalagang punto.

    Praktikal na tip

    Para hindi naman magulat ang mga tagapakinig, huwag biglang baguhin ang bilis ng pagsasalita mo. Huwag ka ring magsalita nang masyadong mabilis para maging malinaw ang pagbigkas mo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share