Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 8 p. 11
  • Mga Ilustrasyong Nakapagtuturo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Ilustrasyong Nakapagtuturo
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • “Hindi Siya Nagtuturo sa Kanila Nang Walang Ilustrasyon”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • “Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Magturo Taglay ang Malalim na Unawa at Pagiging Mapanghikayat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Tularan ang Dakilang Guro
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 8 p. 11

ARALIN 8

Mga Ilustrasyong Nakapagtuturo

Binanggit na teksto

Mateo 13:34, 35

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Puwedeng maging mas epektibo ang pagtuturo mo kung gagamit ka ng simpleng mga ilustrasyon na makaaabot sa puso ng mga tagapakinig at makapagtuturo ng mahahalagang punto.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Pumili ng simpleng ilustrasyon. Gaya ni Jesus, gumamit ng maliliit na bagay para ipaliwanag ang malalaking bagay, at ng simpleng mga bagay para ipaliwanag ang komplikadong mga bagay. Huwag magdagdag ng mga detalyeng hindi kailangan at magpapalabo lang sa ilustrasyon. Tiyakin mong ang mga detalye ng ilustrasyon ay may kaugnayan sa aral na itinuturo mo, dahil malilito ang mga tagapakinig kung gagamit ka ng mga detalyeng walang kaugnayan sa paksa.

    Praktikal na tip

    Maging mapagmasid. Tumingin sa paligid, pag-aralan ang mga publikasyong salig sa Bibliya, at makinig sa mahuhusay na guro. Habang ginagawa mo ito, tandaan ang mga ilustrasyong magagamit mo para mapasulong ang iyong pagtuturo. Ilagay sa isang file ang mga ilustrasyong ito.

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Pumili ng ilustrasyong may kaugnayan sa mga ginagawa at interes ng mga tagapakinig. Tiyakin mong hindi sila mapapahiya o masasaktan sa ilustrasyong gagamitin mo.

  • Ituro ang pangunahing punto. Gumamit ng ilustrasyon para itampok ang pangunahing mga punto, hindi ang mga detalyeng di-gaanong mahalaga. Tiyakin mong hindi lang ang ilustrasyon ang matatandaan ng iyong tagapakinig, kundi pati ang puntong itinuturo nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share