-
HebronKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
ang mga hukbo ng limang hari na dumating laban sa Gibeon. Pagkatapos nito, ang limang haring ito, na nagtago sa isang yungib, ay pinatay at ang kanilang mga bangkay ay ibinitin sa mga tulos hanggang sa kinagabihan.—Jos 10:1-27.
Habang nagpapatuloy ang kampanya ng Israel sa timugang Canaan, ang mga naninirahan sa Hebron, pati na ang kanilang hari (maliwanag na ang kahalili ni Hoham), ay itinalaga sa pagkapuksa. (Jos 10:36, 37) Gayunman, bagaman sa ilalim ng pangunguna ni Josue ay naigupo ng mga Israelita ang kapangyarihan ng mga Canaanita, waring hindi sila agad nagtatag ng mga garison upang mapanatili nila ang kanilang kontrol sa mga lupaing nalupig nila. Maliwanag na habang nakikipagdigma ang Israel sa ibang lugar, muling nanirahan ang mga Anakim sa Hebron, anupat kinailangan ni Caleb (o ng mga anak ni Juda sa ilalim ng pangunguna ni Caleb) na agawin ang lunsod sa kanila ilang panahon pagkaraan nito. (Jos 11:21-23; 14:12-15; 15:13, 14; Huk 1:10) Bagaman ang Hebron ay orihinal na nakaatas kay Caleb na mula sa tribo ni Juda, nang maglaon ay binigyan ito ng sagradong katayuan bilang isang kanlungang lunsod. Nagsilbi rin itong isang lunsod ng mga saserdote. Gayunman, “ang parang ng lunsod [Hebron]” at ang mga pamayanan nito ay naging minanang pag-aari ni Caleb.—Jos 14:13, 14; 20:7; 21:9-13.
Pagkaraan ng mga apat na siglo, sa Hebron pinahiran ng mga lalaki ng Juda si David bilang hari. Mula sa Hebron ay namahala si David nang pito at kalahating taon. Nang mga panahong iyon, siya’y nagkaanak ng anim, sina Amnon, Kileab (Daniel), Absalom, Adonias, Sepatias, at Itream. (2Sa 2:1-4, 11; 3:2-5; 1Cr 3:1-4) Bago nito, maliwanag na tinulungan si David ng mga naninirahan sa Hebron noong tinutugis siya ni Haring Saul. (1Sa 30:26, 31) Sa pagtatapos ng paghahari ni David sa Hebron, si Abner, na pangunahing tagasuporta ng pagkahari ng anak ni Saul na si Is-boset (2Sa 2:8, 9), ay lumipat sa panig ni David. Pagkabalik ni Joab mula sa isang paglusob at nang malaman niyang pinayaon ni David si Abner nang payapa, inutusan niya ang mga mensahero na pabalikin si Abner. Pagkatapos ay pinatay niya ito mismo sa Hebron, kung saan inilibing si Abner pagkaraan nito. (2Sa 3:12-27, 32) Nang maglaon, pinaslang nina Recab at Baanah si Is-boset at, palibhasa’y umaasang gagantimpalaan sila, dinala nila ang ulo nito kay David sa Hebron, ngunit ipinapatay sila ni David dahil sa kanilang kabuktutan. (2Sa 4:5-12) Pagkatapos, pinahiran si David bilang hari sa buong Israel, at mula sa Hebron ay inilipat niya sa Jerusalem ang kaniyang kabisera.—2Sa 5:1-9.
Pagkaraan ng ilang taon, ang anak ni David na si Absalom ay bumalik sa Hebron. Dito niya sinimulan ang nabigo niyang pag-agaw sa pagkahari ng kaniyang ama. (2Sa 15:7-10) Malamang na dahil sa pagiging makasaysayan ng Hebron, palibhasa’y naging kabisera ito ng Juda, at dahil ito ang kaniyang tinubuang lunsod, kung kaya pinili ni Absalom na sa lunsod na ito pasimulan ang kaniyang kampanya para makuha ang trono. Nang maglaon, ang Hebron ay muling itinayo ng apo ni David na si Haring Rehoboam. (2Cr 11:5-10) Pagkatapos itiwangwang ng mga Babilonyo ang Juda at pagkabalik ng mga Judiong tapon, ang ibang nakabalik na mga Judio ay nanirahan sa Hebron (Kiriat-arba).—Ne 11:25.
-
-
Hebronita, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HEBRONITA, MGA
[Ni (Kay) Hebron].
Isang Levitang pamilya na nagmula sa anak ni Kohat na si Hebron. (Exo 6:16, 18; Bil 3:27; 26:58; 1Cr 26:23, 24) Inatasan ni Haring David ang 1,700 may kakayahang mga Hebronita upang maglingkod sa mga katungkulan ng pangangasiwa sa pook sa gawing K ng Jordan at ang 2,700 sa teritoryo sa gawing S ng Jordan.—1Cr 26:30-32.
-
-
HelamKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HELAM
Dito tinalo ng hukbo ni David ang mga hukbong militar ng Siryanong si Haring Hadadezer na pinangungunahan ng pinuno ng hukbo nito na si Sobac. (2Sa 10:15-19) Iniuugnay ito ng ilang iskolar sa “Alema” na binanggit sa Apokripal na aklat ng Unang Macabeo (5:26, JB). Kaya, maaaring ito ang makabagong ʽAlma, na mga 55 km (34 na mi) sa S ng Dagat ng Galilea.
-
-
HelbaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
HELBA
Isang lunsod sa teritoryo ng tribo ni Aser. Binanggit ito bilang isa sa mga bayan kung saan hindi pinalayas ng tribo ni Aser ang mga naninirahang Canaanita. (Huk 1:31, 32) Itinuturing ng ilang iskolar na ito rin ang Alab. Ipinapalagay nila na ito ay ang Khirbet el-Mahalib, na mga 6 na km (3.5 mi) sa HS ng Tiro. Gayunman, hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon nito.
-
-
HelbonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Isang lugar na kilalá sa mainam na alak nito na labis na pinahahalagahan ng lunsod ng Tiro. (Eze 27:18) Karaniwang ipinapalagay na ang Helbon ay ang makabagong nayon ng Halbun, na mga 20 km (12 mi) sa HHK ng Damasco. Ang nayon na ito ay nasa isang makitid na libis na may hagdan-hagdang mga ubasan sa matataas na dalisdis ng bundok. Noong sinaunang mga panahon, hindi lamang Tiro ang kumukuha ng alak ng Helbon kundi pati ang Asirya, Babilonia, at Persia.
-