Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 20 p. 23
  • Epektibong Konklusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Epektibong Konklusyon
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Mabisang Konklusyon
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Ipakita ang Kahalagahan ng Teksto
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Tumatagos sa Puso
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 20 p. 23

ARALIN 20

Epektibong Konklusyon

Binanggit na teksto

Eclesiastes 12:13, 14

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Sa pagtatapos ng pahayag o presentasyon mo, tulungan ang mga tagapakinig na tanggapin at isabuhay ang mga natutuhan nila.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Iugnay ang konklusyon mo sa pangunahing paksa. Ulitin o sabihin sa ibang paraan ang pangunahing mga punto at tema.

  • Antigin ang mga tagapakinig. Ipakita sa mga tagapakinig kung ano ang dapat gawin, at magbigay ng magagandang dahilan kung bakit dapat itong gawin. Ipakita sa iyong pagsasalita na talagang naniniwala ka sa sinasabi mo at na mahalaga iyon.

  • Gawing simple at maikli ang konklusyon mo. Huwag magpasok ng bagong pangunahing punto. Sa pinakamaikling paraan na magagawa mo, muling himukin ang mga tagapakinig mo na kumilos.

    Praktikal na tip

    Huwag madaliin ang konklusyon, at huwag basta unti-unting pahinain ang boses mo. Sabihin ang huli mong mga pangungusap sa tonong magtatapos na ang pahayag o presentasyon mo.

SA MINISTERYO

Sa pagtatapos ng pag-uusap ninyo, ulitin ang pangunahing punto na gusto mong matandaan ng kausap mo. Kung biglang naputol ang pag-uusap ninyo, tapusin ito sa positibong paraan. Kahit hindi maganda ang pakikitungo sa iyo ng kausap mo, maging mabait pa rin; baka sakaling makinig siya sa susunod.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share