Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 19 p. 22
  • Tumatagos sa Puso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumatagos sa Puso
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Sigla
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Pagsisikap na Abutin ang Puso
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Ipakita Kung Paano Magagamit sa Buhay
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Nakapagpapatibay at Positibo
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 19 p. 22

ARALIN 19

Tumatagos sa Puso

Binanggit na teksto

Kawikaan 3:1

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na makita ang kahalagahan ng natututuhan nila at isabuhay iyon.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Tulungan ang mga tagapakinig na suriin ang sarili nila. Gumamit ng retorikal na mga tanong para tulungan ang mga tagapakinig mo na suriin ang damdamin nila.

  • Antigin ang mabuting kalooban ng mga tagapakinig. Himukin ang mga tagapakinig na pag-isipan kung bakit sila gumagawa ng mabuti. Tulungan silang magkaroon ng pinakamabubuting motibo​—pag-ibig kay Jehova, sa kapuwa, at sa mga turo ng Bibliya. Mangatuwiran sa mga tagapakinig; huwag silang sermunan. Huwag silang ipahiya o konsensiyahin. Sa halip, patibayin sila at hikayating gawin ang buong makakaya nila.

  • Tulungan ang mga tagapakinig na kay Jehova magpokus. Ipaliwanag kung paano ipinapakita ng mga turo, mga simulain, at mga utos ng Bibliya ang mga katangian ng Diyos at ang pag-ibig niya sa atin. Tulungan ang mga tagapakinig mo na maging palaisip sa damdamin ni Jehova at magkaroon ng kagustuhang mapasaya siya.

    Praktikal na tip

    Tandaan na inilalapit ni Jehova ang mga tao sa kaniya. Gamitin ang kaniyang Salita para pakilusin ang mga tagapakinig mo.

SA MINISTERYO

Kung posible, gumamit ng mga tanong para malaman mo ang talagang pinaniniwalaan ng kausap mo. Obserbahan ang kaniyang ekspresyon ng mukha at tono ng boses para magkaideya ka sa tunay na nararamdaman niya. Pero maging matiyaga. Baka kailangan mo munang makuha ang tiwala ng kausap mo bago niya masabi ang talagang nararamdaman niya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share