Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Jah”
  • Jah

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jah
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Hallelujah
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Papurihan si Jehova
    Umawit kay Jehova
  • Pumuri Kita kay Jah!
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Yah
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Jah”

JAH

Isang matulain at pinaikling anyo ng Jehova, ang pangalan ng Kataas-taasang Diyos. (Exo 15:1, 2) Ang pinaikling anyong ito ay kinakatawanan ng unang kalahatian ng Hebreong Tetragrammaton na יהוה (YHWH), samakatuwid nga, ng mga titik na yod (י) at he (ה), ang ikasampu at ikalimang titik ng alpabetong Hebreo.

Ang Jah ay lumilitaw nang 50 ulit sa Hebreong Kasulatan, 26 na ulit na mag-isa, at 24 na ulit sa pananalitang “Hallelujah,” na sa literal ay isang utos sa maraming tao na “purihin si Jah.” Gayunman, ang paglitaw ng “Jah” sa orihinal ay ipinagwalang-bahala ng ilang popular na bersiyon. (Dy, Mo, RS) Miminsan lamang itong ginamit ng King James Version, bilang “Jah,” at ng An American Translation, bilang “Yah.” (Aw 68:4) Sa English Revised Version ay lumilitaw ito nang dalawang beses sa mismong teksto (Aw 68:4; 89:8), at sa American Standard Version ay inihahalili sa lahat ng paglitaw nito ang kumpletong anyo na Jehova, ngunit sa halos lahat ng paglitaw ng pinaikling anyo ay itinatawag-pansin iyon ng huling nabanggit na dalawang salin sa pamamagitan ng mga talababa. Pinanatili ng Bagong Sanlibutang Salin sa mismong teksto ang 50 paglitaw ng Jah, o Yah, para sa mambabasa; pinanatili naman ng Emphasised Bible ni Rotherham ang 49.

Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang “Jah” ay lumilitaw nang apat na beses sa pananalitang Hallelujah. (Apo 19:1, 3, 4, 6) Ang pananalitang Griegong ito ay ginagamit ng karamihan sa mga Bibliya nang di-isinasalin sa Ingles, ngunit isinalin ito ni G. W. Wade bilang “Praise ye Jehovah,” at ng Bagong Sanlibutang Salin bilang “Purihin ninyo si Jah!”

Ang “Jah” ay hindi maaaring maging isang sinaunang anyo ng banal na pangalan na ginamit bago pa ang Tetragrammaton. Ang kumpletong anyo nito, na Jehova, ay lumilitaw nang 165 beses sa tekstong Masoretiko sa aklat ng Genesis, ngunit ang mas maikling anyo ay lumitaw lamang sa ulat ng mga pangyayari pagkatapos ng Pag-alis mula sa Ehipto.​—Exo 15:2.

Ang iisang pantig na Jah ay kadalasang ginagamit kalakip ng mas marubdob na mga emosyon ng papuri at pag-awit, panalangin at pamamanhik, at karaniwan nang masusumpungan kapag ang tema ng paksa ay pagsasaya dahil sa tagumpay at pagliligtas, o kapag nagpapahayag ng pagkilala sa malakas na kamay at kapangyarihan ng Diyos. Maraming halimbawa ng ganitong espesyal na paggamit. Ang pariralang “Purihin ninyo si Jah!” (Hallelujah) ay lumilitaw bilang isang doxology, o kapahayagan ng papuri sa Diyos, sa Mga Awit, anupat ang una ay nasa Awit 104:35. Sa ibang mga awit, maaaring ito’y nasa pasimula lamang (Aw 111, 112), sa ilang pagkakataon ay nasa loob ng awit (135:3), kung minsa’y nasa dulo lamang (Aw 104, 105, 115-117), ngunit kadalasan ay kapuwa nasa pasimula at dulo (Aw 106, 113, 135, 146-150). Sa aklat ng Apocalipsis, ang pananalitang ito ay paulit-ulit na sinasambit ng makalangit na mga persona sa kanilang papuri kay Jehova.​—Apo 19:1-6.

Ang natitirang mga paglitaw ng “Jah” ay nagpapahiwatig din ng pagluwalhati kay Jehova sa mga awit at mga pagsusumamo. Nariyan ang awit ng pagliligtas na inawit ni Moises. (Exo 15:2) Sa mga paglitaw nito sa ulat ni Isaias, gumamit siya ng dobleng pagdiriin sa pagtatambal sa dalawang pangalan, “Jah Jehova.” (Isa 12:2; 26:4) Sa tula ni Hezekias dahil sa kagalakan matapos siyang makahimalang pagalingin noong muntik na siyang mamatay, nagpahayag siya ng masidhing damdamin sa pamamagitan ng pag-ulit sa pangalang Jah. (Isa 38:9, 11) Ipinakikita ang pagkakaiba ng mga patay, na hindi makapupuri kay Jah, at niyaong mga determinadong pumuri sa kaniya habang-buhay. (Aw 115:17, 18; 118:17-19) Ang iba pang mga awit ay nagpapakita naman ng taos-pusong pagpapahalaga sa pagliligtas, proteksiyon, at pagtutuwid.​—Aw 94:12; 118:5, 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share