-
JahKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang “Jah” ay hindi maaaring maging isang sinaunang anyo ng banal na pangalan na ginamit bago pa ang Tetragrammaton. Ang kumpletong anyo nito, na Jehova, ay lumilitaw nang 165 beses sa tekstong Masoretiko sa aklat ng Genesis, ngunit ang mas maikling anyo ay lumitaw lamang sa ulat ng mga pangyayari pagkatapos ng Pag-alis mula sa Ehipto.—Exo 15:2.
Ang iisang pantig na Jah ay kadalasang ginagamit kalakip ng mas marubdob na mga emosyon ng papuri at pag-awit, panalangin at pamamanhik, at karaniwan nang masusumpungan kapag ang tema ng paksa ay pagsasaya dahil sa tagumpay at pagliligtas, o kapag nagpapahayag ng pagkilala sa malakas na kamay at kapangyarihan ng Diyos. Maraming halimbawa ng ganitong espesyal na paggamit. Ang pariralang “Purihin ninyo si Jah!” (Hallelujah) ay lumilitaw bilang isang doxology, o kapahayagan ng papuri sa Diyos, sa Mga Awit, anupat ang una ay nasa Awit 104:35. Sa ibang mga awit, maaaring ito’y nasa pasimula lamang (Aw 111, 112), sa ilang pagkakataon ay nasa loob ng awit (135:3), kung minsa’y nasa dulo lamang (Aw 104, 105, 115-117), ngunit kadalasan ay kapuwa nasa pasimula at dulo (Aw 106, 113, 135, 146-150). Sa aklat ng Apocalipsis, ang pananalitang ito ay paulit-ulit na sinasambit ng makalangit na mga persona sa kanilang papuri kay Jehova.—Apo 19:1-6.
-
-
JahatKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
JAHAT
1. Isang inapo ni Juda. Ang dalawang anak ni Jahat ang pinagmulan ng mga pamilya ng mga Zoratita.—1Cr 4:1, 2.
2. Isang Levitang nagmula kay Gerson (Gersom) sa pamamagitan ni Libni, at ninuno ni Asap.—Exo 6:17; 1Cr 6:1, 20, 39-43.
3. Isa pang Levitang nagmula kay Gerson, ngunit sa pamamagitan ng isa pang anak ni Gerson na si Simei. Si Jahat ang ulo sa kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga anak ay naging isang sambahayan sa panig ng ama.—1Cr 23:6, 7, 10, 11.
4. Isang Levita noong panahon ng paghahari ni David; inapo ng anak ni Kohat na si Izhar sa pamamagitan ni Selomot.—1Cr 6:18; 24:22.
5. Isa sa apat na Levita, isang Merarita, na inatasang mangasiwa sa gawaing pagkukumpuni sa templo na itinaguyod ni Haring Josias.—2Cr 34:12.
-