-
Pahina Treintay DosAng Bantayan—2012 | Nobyembre 1
-
-
Pahina Treintay Dos
Bakit hinahayaan ng Diyos ang pagdurusa?
TINGNAN ANG PAHINA 8-9.
Bakit kailangan ng mga tao ang isang pandaigdig na gobyerno?
TINGNAN ANG PAHINA 16-17.
Paano mo maiiwasan na huwag puro utang na lang ang nasa isip mo?
TINGNAN ANG PAHINA 21.
Ang pananampalataya ba ay pampagaan lang ng loob?
TINGNAN ANG PAHINA 23.
-
-
“Ingatan Mo Ang Iyong Puso!”Ang Bantayan—2012 | Nobyembre 1
-
-
“Ingatan Mo Ang Iyong Puso!”
Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova
TEMA SA BIYERNES
“Kung Tungkol kay Jehova, Tumitingin Siya sa Kung Ano ang Nasa Puso”—1 SAMUEL 16:7.
TEMA SA SABADO
“Mula sa Kasaganaan ng Puso ay Nagsasalita ang Bibig”—MATEO 12:34.
TEMA SA LINGGO
‘Maglingkod kay Jehova Nang May Sakdal na Puso’—1 CRONICA 28:9.
Sa Bibliya, halos isang libong beses na binanggit ang puso. Karamihan sa mga iyon ay tumutukoy sa makasagisag na puso, hindi sa literal na puso. Ano ba ang makasagisag na puso? Ito ay maaaring tumukoy sa panloob na pagkatao—ang iniisip, nadarama, at naisin ng isang tao.
Bakit kailangang ingatan ang makasagisag na puso? Ipinasulat ng Diyos kay Haring Solomon: “Higit sa lahat na dapat bantayan, ingatan mo ang iyong puso, sapagkat nagmumula rito ang mga bukal ng buhay.” (Kawikaan 4:23) Ang kalidad ng ating buhay sa ngayon at sa hinaharap ay nakadepende sa kalagayan ng ating makasagisag na puso. Bakit? Dahil nakikita ng Diyos ang laman ng ating puso. (1 Samuel 16:7) Nakadepende sa uri ng ating pagkatao, ang “lihim na pagkatao ng puso,” ang magiging tingin ng Diyos sa atin.—1 Pedro 3:4.
Paano natin maiingatan ang ating puso? Ang sagot ay tatalakayin sa “Ingatan Mo ang Iyong Puso!” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Nagsimula ito noong Mayo sa Estados Unidos, at nagpapatuloy sa buong daigdig. Malugod kang inaanyayahan sa tatlong araw na kombensiyong ito.a Tutulungan ka ng iyong matututuhan na mapasaya ang Diyos na Jehova.—Kawikaan 27:11.
-