-
DisonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Gayunman, ipinapalagay ng iba na ipinakikilala ng ulat ang pitong shik bilang mga inapo lamang ni Seir, hindi kabilang sa iisang salinlahi, samakatuwid nga, “mga anak” sa mas malawak na diwa. Kaya iminumungkahi nila na ang Dison sa talata 25 ay si Shik Dison din (Gen 36:21, 26) at hindi isang pamangkin niya. Ayon sa pangmalas na ito, bagaman si Dison ay tunay na anak ni Shik Anah, binanggit siya kasama ng anim na iba pang shik hindi dahil kapatid niya sila kundi dahil kapantay niya sila sa pagiging shik.
-