Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
    • Naging haliging asin ang asawa ni Lot habang tumatakas si Lot at ang mga anak niya mula sa Sodoma

      ARAL 10

      Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot

      Si Lot ay kasama ng tiyuhin niyang si Abraham sa Canaan. Dumami nang dumami ang mga alagang hayop nina Abraham at Lot kaya halos hindi na sila magkasya sa lupain. Sinabi ni Abraham kay Lot: ‘Parang masikip na tayo dito. Pumili ka ng lugar na gusto mo, at doon naman ako sa lugar na hindi mo napili.’ Napakabait ni Abraham, ’di ba?

      Nakakita si Lot ng magandang lugar malapit sa lunsod na tinatawag na Sodoma. Maraming tubig doon at maberde ang mga damo. Kaya iyon ang pinili niya at lumipat sila doon.

      Masasamang tao ang mga taga-Sodoma at ang mga nasa kalapit na lunsod ng Gomorra. Sa sobrang samâ nila, nagdesisyon si Jehova na wasakin ang mga lunsod na iyon. Pero gusto ng Diyos na iligtas si Lot at ang pamilya nito, kaya nagpadala siya ng dalawang anghel para sabihin sa kanila: ‘Dali! Umalis na kayo sa lunsod na ito! Wawasakin ito ni Jehova.’

      Ayaw pang umalis agad ni Lot. Kaya hinila ng mga anghel si Lot, ang asawa niya, at ang dalawa niyang anak na babae palabas ng lunsod, at sinabi: ‘Takbo! Tumakas kayo, at huwag kayong lilingon. Kapag lumingon kayo, mamamatay kayo!’

      Umuulan ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra

      Pagdating nila sa lunsod ng Zoar, nagpaulan si Jehova ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra. Wasák na wasák ang dalawang lunsod na iyon. Hindi nakinig kay Jehova ang asawa ni Lot. Lumingon siya, at naging haliging asin! Pero nakaligtas si Lot at ang mga anak niya dahil sumunod sila kay Jehova. Siguradong nalungkot sila dahil hindi nakinig ang asawa ni Lot. Pero masaya pa rin sila kasi sinunod nila ang mga utos ni Jehova.

      “Alalahanin ang asawa ni Lot.”​—Lucas 17:32

      Tanong: Bakit winasak ni Jehova ang Sodoma at Gomorra? Bakit naging haliging asin ang asawa ni Lot?

      Genesis 13:1-13; 19:1-26; Lucas 17:28, 29, 32; 2 Pedro 2:6-9

  • Isang Pagsubok sa Pananampalataya
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
    • Sina Abraham at Isaac habang papunta sa Moria

      ARAL 11

      Isang Pagsubok sa Pananampalataya

      Tinuruan ni Abraham ang anak niyang si Isaac na mahalin si Jehova at magtiwala sa mga pangako ni Jehova. Pero noong mga 25 taon na si Isaac, may hiniling si Jehova kay Abraham na napakahirap gawin. Ano kaya iyon?

      Sinabi ng Diyos kay Abraham: ‘Isama mo ang iyong kaisa-isang anak at ihandog siya bilang hain sa isang bundok sa Moria.’ Hindi alam ni Abraham kung bakit ipinapagawa iyon ni Jehova sa kaniya. Pero sumunod pa rin siya.

      Kinaumagahan, isinama ni Abraham si Isaac at ang dalawang tagapaglingkod niya at naglakbay sila papuntang Moria. Pagkalipas ng tatlong araw, natanaw na nila ang bundok. Sinabi ni Abraham sa mga tagapaglingkod na maiwan at maghintay pero sila ni Isaac ay pupunta sa bundok para maghandog ng hain. Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy, at nagdala si Abraham ng patalim. Nagtanong si Isaac sa kaniyang ama: ‘Nasaan po ang hayop na ihahain natin?’ Sumagot si Abraham: ‘Anak, si Jehova ang magbibigay nito.’

      Pagdating nila sa bundok, gumawa sila ng altar. ’Tapos, tinalian ni Abraham ang mga kamay at paa ni Isaac at inihiga ito sa altar.

      Nakatali ang mga kamay ni Isaac at nakahiga siya sa altar; si Abraham naman ay may hawak na patalim

      Kinuha ni Abraham ang patalim. Nang sandaling iyon, sumigaw ang anghel ni Jehova mula sa langit: ‘Abraham! Huwag mong saktan ang bata! Alam ko na ngayon na may pananampalataya ka sa Diyos kasi handa mong ihain ang iyong anak.’ Pagkatapos, nakita ni Abraham ang isang barakong tupa na ang mga sungay ay nasabit sa mga sanga. Kinalagan niya agad si Isaac at inihain ang tupa.

      Mula noon, naging kaibigan na ni Jehova si Abraham. Alam mo ba kung bakit? Sinusunod kasi ni Abraham ang lahat ng ipagawa sa kaniya ni Jehova, kahit hindi niya ito naiintindihan.

      Kinalagan ni Abraham si Isaac

      Inulit ni Jehova ang pangako niya kay Abraham: ‘Pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong mga anak.’ Ibig sabihin, magiging maganda ang buhay ng lahat ng mabuting tao dahil sa pamilya ni Abraham.

      “Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”​—Juan 3:16

      Tanong: Paano pinatunayan ni Abraham na nagtitiwala siya kay Jehova? Ano ang ipinangako ni Jehova kay Abraham?

      Genesis 22:1-18; Hebreo 11:17-19; Santiago 2:21-23

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share