Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Napunta kay Jacob ang Mana
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
    • Binigyan ni Jacob si Esau ng isang mangkok ng nilaga kapalit ng pagkapanganay ni Esau

      ARAL 12

      Napunta kay Jacob ang Mana

      Sina Isaac at Rebeka kasama ng kanilang kambal na sina Jacob at Esau

      Si Isaac ay 40 taon nang mapangasawa niya si Rebeka. Mahal na mahal niya ito. Nagkaroon sila ng dalawang anak—kambal na lalaki.

      Ang mas matanda ay si Esau at ang nakababata ay si Jacob. Si Esau ay mahilig mangaso, o manghuli ng hayop. Pero si Jacob ay lagi lang sa bahay.

      Noon, mas malaki ang ibinibigay na lupain at pera sa panganay na lalaki kapag namatay ang tatay. Ang tawag doon ay mana. Sa pamilya ni Isaac, kasama rin sa mana ang pagkakaroon ng bahagi sa mga pangako ni Jehova kay Abraham. Bale-wala kay Esau ang mga pangakong iyon, pero alam ni Jacob na napakahalaga ng mga ito.

      Sina Jacob at Esau

      Isang araw, umuwi si Esau na pagód na pagód sa pangangaso. Naamoy niya ang pagkaing niluluto ni Jacob at sinabi: ‘Gutóm na gutóm ako! Pahingi ng nilagang iyan!’ Sinabi ni Jacob: ‘Sige, pero sa ’kin na lang ang mana mo.’ Sinabi ni Esau: ‘Wala akong pakialam sa mana ko! Sa iyo na ’yon. Ang gusto ko, pagkain.’ Tama kaya ang ginawa ni Esau? Hindi. Ipinamigay ni Esau ang isang napakahalagang bagay kapalit lang ng isang mangkok ng nilaga.

      Nang matandang-matanda na si Isaac, kailangan na niyang ibigay ang mana sa panganay niyang anak. Pero tinulungan ni Rebeka ang nakababatang si Jacob na makuha ang mana. Nang malaman ito ni Esau, galít na galít siya at gusto niyang patayin ang kakambal niya. Para protektahan si Jacob, sinabi nina Isaac at Rebeka sa kaniya: ‘Tumakas ka at makitira sa kapatid ng nanay mong si Laban hanggang sa mawala ang galit ni Esau.’ Nakinig si Jacob sa mga magulang niya at tumakas siya.

      “Ano ang saysay na makuha ng isang tao ang buong mundo kung mamamatay naman siya? Ano nga ba ang maibibigay ng isang tao kapalit ng buhay niya?”—Marcos 8:36, 37

      Tanong: Anong klaseng tao si Esau? Anong klaseng tao si Jacob? Bakit kay Jacob napunta ang mana at hindi kay Esau?

      Genesis 25:20-34; 27:1–28:5; Hebreo 12:16, 17

  • Nagbatî Sina Jacob at Esau
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
    • Nakayukod si Jacob habang tumatakbo si Esau papunta sa kaniya

      ARAL 13

      Nagbatî Sina Jacob at Esau

      Nangako si Jehova kay Jacob na poprotektahan niya ito gaya ng pagprotekta niya kina Abraham at Isaac. Tumira si Jacob sa isang lugar na tinatawag na Haran. Doon siya nakapag-asawa, nagkaroon ng maraming anak, at yumaman.

      Sinabi ni Jehova kay Jacob: ‘Umuwi ka sa inyo.’ Kaya naglakbay pauwi si Jacob kasama ang pamilya niya. Habang naglalakbay, may mga nagsabi kay Jacob: ‘Parating ang kapatid mong si Esau, at may kasama siyang 400 lalaki!’ Natakot si Jacob na baka saktan sila ni Esau. Nanalangin siya kay Jehova: ‘Pakisuyo, iligtas n’yo po kami sa kapatid ko.’ Kinabukasan, nagpadala si Jacob kay Esau ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, at asno.

      Kinagabihan, habang nag-iisa si Jacob, nakakita siya ng anghel! Nagsimulang makipagbuno ang anghel kay Jacob hanggang umaga. Kahit napilayan na si Jacob, ayaw pa rin niyang sumuko. Sinabi ng anghel: “Bitawan mo ako.” Pero sinabi ni Jacob: ‘Ayoko. Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo ako pinagpapala.’

      Pinagpala ng anghel si Jacob. Ngayon, alam na ni Jacob na hindi hahayaan ni Jehova na saktan siya ni Esau.

      Nang umagang iyon, malayo pa lang ay nakita na ni Jacob si Esau kasama ang 400 lalaki. Nauna si Jacob sa pamilya niya at yumukod nang pitong beses sa harap ng kapatid niya. Tumakbo si Esau palapit kay Jacob at niyakap ito. Nag-iyakan ang magkapatid at nagbatî. Ano kaya ang naramdaman ni Jehova sa ginawa ni Jacob?

      Pagkatapos, umuwi na si Esau sa bahay niya, at nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay pauwi. Nagkaroon si Jacob ng 12 anak na lalaki. Ang pangalan nila ay Ruben, Simeon, Levi, Juda, Dan, Neptali, Gad, Aser, Isacar, Zebulon, Jose, at Benjamin. Ang isa sa kanila—si Jose—ay ginamit ni Jehova para iligtas ang Kaniyang bayan. Alam mo ba kung paano? Tingnan natin.

      “Patuloy na mahalin ang inyong mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa inyo, para mapatunayan ninyong mga anak kayo ng inyong Ama na nasa langit.”​—Mateo 5:44, 45

      Tanong: Bakit pinagpala si Jacob? Paano siya nakipagbatî sa kapatid niya?

      Genesis 28:13-15; 31:3, 17, 18; 32:1-29; 33:1-18; 35:23-26

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share