-
Pagkatuklas ng Tunay na Kayamanan sa Hong KongAng Bantayan—1993 | Mayo 15
-
-
ng Kaharian ay nagtatagumpay nang malaki sa pagpapatotoo sa lansangan. Sila’y nakikipag-ugnayan din sa mga tao sa lugar na pinagtatrabahuhan sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga manggagawa sa mga upisina, mga nagtitinda, mga magsasaka, at mga taong pauwi na galing sa pangingisda sa Timugang Dagat ng Tsina.
Tunay na masasabing “ang aanihin ay marami, datapuwat kakaunti ang manggagawa” sa Hong Kong. (Mateo 9:37) Sa kasalukuyan, ang katumbasan ng mga Saksi sa populasyon ay 1 sa 2,300. Sa pagkaalam na apurahan ang pag-aani, halos 600 ng 2,600 mga mamamahayag doon ng Kaharian ay mga payunir, o buong-panahong mga mangangaral ng mabuting balita. Ang mga Saksi ni Jehova sa Hong Kong, katulad din niyaong mga nasa ibang dako, ay nakatatalos na ‘ang pagpapala ni Jehova ay nagpapayaman.’ (Kawikaan 10:22) Kaya naman, sila ay gumagawang puspusan upang tulungan ang marami pang mga tao sa maunlad ng komunidad na iyan na makasumpong ng tunay na kayamanan.
-
-
Ikaw ba ay Lubos na Sumusunod kay Jehova?Ang Bantayan—1993 | Mayo 15
-
-
Ikaw ba ay Lubos na Sumusunod kay Jehova?
“ANG mga matuwid ay matapang na parang batang leon.” (Kawikaan 28:1) Sila’y may pananampalataya, may pagtitiwalang umaasa sa Salita ng Diyos, at humahayo sa may katapangang paglilingkuran kay Jehova sa harap ng anumang panganib.
Samantalang ang mga Israelita ay nasa Sinai matapos na sila’y iligtas ng Diyos buhat sa pagkaalipin sa Ehipto noong ika-16 na siglo B.C.E., dalawang lalaki lalo na ang nagpakita na sila’y parang mga leon kung sa katapangan. Sila’y nagpamalas din ng katapatan kay Jehova sa ilalim ng mahihirap na kalagayan. Isa na sa mga lalaking ito ang Ephraimitang si Josue, na
-