Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 5
  • Mataktika

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mataktika
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Pablo
  • Ang Matututuhan Natin kay Pablo
  • Tularan si Pablo
  • ‘Hanapin ang Diyos at Talagang Makikita Siya’
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Mapagpakumbaba
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Ano ang Pananaw Mo sa mga Tao sa Teritoryo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Kanino Tayo Makaaasa ng Tunay na Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 5

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

Si apostol Pablo na nagpapaliwanag sa mga taga-Atenas.

Gawa 17:22, 23

ARALIN 5

Mataktika

Prinsipyo: “Laging maging mabait sa inyong pananalita, na tinitimplahan ito ng asin.”—Col. 4:6.

Ang Ginawa ni Pablo

Si apostol Pablo na nagpapaliwanag sa mga taga-Atenas.

VIDEO: Nangaral si Pablo sa mga Taga-Atenas

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 17:22, 23. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Ano ang naramdaman ni Pablo nang makita niya ang huwad na pagsamba ng mga taga-Atenas?—Tingnan ang Gawa 17:16.

  2. Imbes na hatulan ang mga taga-Atenas, paano mataktikang ginamit ni Pablo ang mga paniniwala nila para maibahagi ang mabuting balita?

Ang Matututuhan Natin kay Pablo

2. Malamang na makinig ang mga tao sa atin kung pag-iisipan nating mabuti ang sasabihin natin, pati na kung paano at kailan ito sasabihin.

Tularan si Pablo

3. Piliin ang mga salitang gagamitin mo. Halimbawa, kapag hindi Kristiyano ang kausap mo, baka kailangan mong i-adjust ang paraan kung paano mo ipapasok ang Bibliya o tutukuyin si Jesus.

4. Huwag agad itama ang kausap mo. Hayaan mo siyang magsalita. Kung hindi kaayon ng Bibliya ang sinasabi niya, huwag siyang kontrahin. (Sant. 1:19) Kung pakikinggan mo siya, mas maiintindihan mo ang pinaniniwalaan niya.—Kaw. 20:5.

5. Kung wala namang mali sa sinabi niya, sang-ayunan siya at komendahan. Baka para sa kaniya, tama talaga ang paniniwala niya. Pag-usapan muna ang isang bagay na mapagkakasunduan ninyo. Pagkatapos, unti-unting ipaliwanag sa kaniya kung ano ang itinuturo ng Bibliya.

TINGNAN DIN

Kaw. 25:15; 2 Tim. 2:23-26; 1 Ped. 3:15

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share