AWIT 79
Turuan Mo Silang Maging Matatag
1. Kay sayang tupa ay turuan;
Pagsulong ay nakita.
May gabay ang Diyos sa kanila,
At nanindigan sila.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
2. Sa harap ng mga pagsubok,
Ipanalangin sila.
Turuan, alalayan natin,
Nang lalong tumibay pa.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
3. Sana ay laging magtiwala
Sa ’ting Diyos at kay Kristo.
Magsikap, maging masunurin
Nang ang buhay matamo.
(KORO)
Jehova, aming dalangin,
Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:
Lahat sila ay magpakatatag sana.
(Tingnan din ang Luc. 6:48; Gawa 5:42; Fil. 4:1.)