AWIT 120
Tularan ang Kahinahunan ni Kristo
Printed Edition
1. Pinakadakilang tao si Kristo;
Ngunit ambisyon ay wala sa puso.
Kahit binigyan ng dakilang atas,
Kailanman si Kristo’y ’di nagmataas.
2. Ang lahat ng taong nabibigatan,
Nais niyang pasanin nila’y maibsan.
At kung uunahin ang Kaharian,
Kaginhawahan tiyak na makakamtan.
3. Tayo’y magkakapatid, ang sabi niya.
Sa kapakumbabaan, tularan siya.
Mga mahinahon ay mahal ng Diyos;
Lupa’y kanilang mamanahing lubos.
(Tingnan din ang Kaw. 3:34; Mat. 5:5; 23:8; Roma 12:16.)