AWIT 41
Pakinggan Sana ang Aking Dalangin
Printed Edition
(Awit 54)
1. Pakisuyo, Amang Jehova,
Ang awiti’y dinggin mo sana.
Pangalan mo ay pupurihin.
(KORO)
Pakinggan sana ang dalangin.
2. Salamat po sa araw na ’to,
Sa buhay ko, at sa gabay mo.
Dama ko ang lingap mo sa ’kin.
(KORO)
Pakinggan sana ang dalangin.
3. Ang nais ko’y gawin ang tama.
Tulungan mo, O aking Ama,
Kayanin ang mga pasanin.
(KORO)
Pakinggan sana ang dalangin.
(Tingnan din ang Ex. 22:27; Awit 106:4; Sant. 5:11.)