AWIT 139
Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay
1. Isipin mo, lahat tayo
ay naro’n na sa mundong binago.
Ano ang ’yong madarama?
Payapa na ang mga tao.
Ang masama ay lilipas;
Gabay ng Diyos ’di magwawakas.
Malapit na ang pagbabagong ito.
Papuri’y aawitin
ng ating puso:
(KORO)
“Salamat, O Diyos, lahat nagbago
Dahil sa paghahari ni Kristo.
Kagalaka’y umaapaw sa ’ming puso.
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
2. Pagmasdan mo, lahat tayo,
Nabubuhay na sa Paraiso.
Walang ingay, walang gulo
Ang tatakot sa mga tao.
Pangako niya, nangyari na;
Nasa atin na ang tolda niya.
Gigisingin niya ang mga namatay;
Ang tinig nila sa atin
ay sasabay:
(KORO)
“Salamat, O Diyos, lahat nagbago
Dahil sa paghahari ni Kristo.
Kagalaka’y umaapaw sa ’ming puso.
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
(Tingnan din ang Awit 37:10, 11; Isa. 65:17; Juan 5:28; 2 Ped. 3:13.)