AWIT 39
Gumawa ng Mabuting Pangalan sa Diyos
Printed Edition
1. Sa buong buhay, sikaping gumawa
Mabuting ngalan sa Diyos na Jehova.
Kung tama’y gagawin sa kaniyang paningin,
Malulugod ang Diyos sa atin.
2. Ang mundong ’to ay humihimok sa ’tin,
Katanyagan ay sikaping abutin.
Pagsang-ayon ng Diyos ay ’di makakamtan,
Kung mundo ay ating kaibigan.
3. Sa aklat ng Diyos, nawa’y isulat niya
Ating pangalan at mga ginawa.
Mabuting pangalan sa Diyos ay ingatan,
Panatilihin walang hanggan.
(Tingnan din ang Gen. 11:4; Kaw. 22:1; Mal. 3:16; Apoc. 20:15.)