Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
Patalastas
Bagong wikang available: Dendi
  • Ngayon

Sabado, Agosto 9

Kung gusto ng isa na sumunod sa akin, dapat niyang itakwil ang kaniyang sarili at araw-araw na buhatin ang kaniyang pahirapang tulos at patuloy akong sundan.​—Luc. 9:23.

Baka pinag-usig ka ng mga kapamilya mo, o baka may isinakripisyo kang materyal na mga bagay para gawing pangunahin sa buhay mo ang Kaharian. (Mat. 6:33) Siguradong alam ni Jehova ang mga ginawa mo para sa kaniya. (Heb. 6:10) Malamang na naranasan mo na ang sinabi ni Jesus: “Ang lahat ng umiwan sa kanilang bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ina, ama, mga anak, o mga bukid alang-alang sa akin at alang-alang sa mabuting balita ay tatanggap ng 100 ulit sa panahong ito—ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, mga ina, mga anak, at mga bukid, kasama ng mga pag-uusig—at sa darating na sistema ay ng buhay na walang hanggan.” (Mar. 10:​29, 30) Talagang nakakahigit ang mga pagpapalang natanggap mo kaysa sa anumang isinakripisyo mo!—Awit 37:4. w24.03 9 ¶5

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Linggo, Agosto 10

Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.​—Kaw. 17:17.

Nang makaranas ng malaking taggutom ang mga Kristiyano sa Judea, ang mga kapatid sa Antioquia ay “nagbigay ng tulong . . . , ayon sa kakayahan ng bawat isa, sa mga kapatid na nakatira sa Judea.” (Gawa 11:​27-30) Kahit nasa malayo ang mga kapatid na naapektuhan ng taggutom, determinado pa ring tumulong ang mga kapatid sa Antioquia. (1 Juan 3:​17, 18) Makakapagpakita rin tayo ng malasakit kapag may mga kapatid tayo na naapektuhan ng sakuna. Kumikilos tayo agad. Puwede tayong magtanong sa mga elder kung paano makakatulong sa isang proyekto. Puwede rin tayong mag-donate sa worldwide work at manalangin para sa mga naapektuhan. Baka mangailangan ng tulong ang mga kapatid natin para sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. Kapag dumating na ang Hari nating si Kristo Jesus para maglapat ng hatol, makita niya sana tayong nagmamalasakit sa iba at imbitahan tayo na ‘manahin ang Kaharian.’—Mat. 25:​34-40. w23.07 4 ¶9-10; 6 ¶12

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Lunes, Agosto 11

Makita nawa ng lahat ang pagiging makatuwiran ninyo.​—Fil. 4:5.

Tinularan ni Jesus ang pagiging makatuwiran ni Jehova. Isinugo siya sa lupa para mangaral sa “nawawalang mga tupa ng sambahayan ng Israel.” Pero naging makatuwiran siya sa pagganap ng atas na iyon. Halimbawa, nakiusap sa kaniya ang isang di-Israelitang babae na pagalingin ang anak nito na ‘sinasaniban ng demonyo.’ Naawa si Jesus sa babae kaya pinagaling niya ang anak nito. (Mat. 15:​21-28) Tingnan ang isa pang halimbawa. Sinabi ni Jesus: “Kung ikinakaila ako ng sinuman . . . , ikakaila ko rin siya.” (Mat. 10:33) Pero nang ikaila siya ni Pedro nang tatlong beses, ikinaila rin ba siya ni Jesus? Hindi. Alam ni Jesus na tapat si Pedro at na nagsisi ito. Nang buhaying muli si Jesus, nagpakita siya kay Pedro at ipinaramdam dito ang pagmamahal niya at pagpapatawad. (Luc. 24:​33, 34) Makatuwiran ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo. Kumusta naman tayo? Inaasahan ni Jehova na magiging makatuwiran din tayo. w23.07 21 ¶6-7

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share