“Karamihan ng mga Aklat-Aralin sa Unibersidad ay Hindi Kasintumpak Nito”
Iyan ang bahagi ng pagsusuri ng isang lalaki sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Isa sa mga Saksi ni Jehova sa Sydney, Australia, ang nakapagpasakamay sa kaniya ng aklat na ito. Nang gabing iyon ay narinig ng Saksi sa kaniyang answering machine ang sumusunod na mensahe:
“Nakipag-usap ako sa iyo kaninang umaga. Nangangalahati na ako sa pagbabasa ng aklat na iniwan mo sa akin—Is There a Creator Who Cares About You? Tumawag ako dahil namangha ako na makitang tunay na napapanahon at tumpak ang aklat na iyon tungkol sa pasimula ng sansinukob. Tinatalakay nito ang katulad na paksa na gaya ng aklat na ipinakita ko sa iyo . . .
“Ang inyong aklat ay talagang tumpak at napapanahon! Karamihan ng mga aklat-aralin sa unibersidad ay hindi kasintumpak nito. Tinukoy nito ang apat na pangunahing mga puwersang pisikal—grabidad, elektromagnetismo, ang malakas na puwersang nuklear, at ang mahinang puwersang nuklear. Ang mga ito ay bagong mga tuklas lamang at lubhang napapanahon. Mag-usap tayo sa susunod na linggo. Paalam.”
Maaari ka ring magkaroon ng isang kopya ng 192 pahinang aklat na ito na may pabalat na papel kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyong inilaan o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA