Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 1/22 p. 32
  • “Napapanahong Payo” Para sa Lahat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Napapanahong Payo” Para sa Lahat
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 1/22 p. 32

“Napapanahong Payo” Para sa Lahat

“NAPALUHA ako dahil sa ‘napakahusay’ at napapanahong payo,” ang isinulat ng isang mambabasa ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. “Talagang naantig at humanga ako sa detalye at kaunawaang taglay nito sa pagtalakay (sa simulain) sa bawat napakahirap na situwasyon na maaaring mangyari sa pamilya. . . . Huminto ako sa gitna mismo ng kabanata 8 upang lumiham sa inyo. Hindi na ako makapaghintay pa.”

Ang mapagpahalagang mambabasang ito mula sa North Carolina, E.U.A., ay nagsabi pa: “Idinadalangin ko na ang aking pamilya sana, at ang marami pang ibang pamilya sa buong daigdig, ay magbigay ng higit kaysa sa karaniwang pansin sa mga bagay na nilalaman ng aklat na ito.”

Milyun-milyon sa buong daigdig ang nakinabang sa 192-pahinang publikasyong ito. May impormasyon ang aklat para sa bawat miyembro ng pamilya​—sa asawang lalaki, sa asawang babae, mga magulang, mga anak, at sa mga lolo’t lola. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ay ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”

Para sa iyong kopya, pakisuyong punan ang kasamang kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyong nasa ibaba ng kupon o sa isang angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Makatatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong sa iyo upang malutas ang mga suliranin at mapangyari na maging kalugud-lugod ang buhay-pampamilya na siyang nilayon ng Maylalang.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share