‘Edukasyonal at Nakapagtuturo’
Ang nasa itaas ay paglalarawan sa Gumising! ng isang 26-anyos na lalaki na nasa Bulubundukin ng Papua New Guinea.
Sa isang liham sa lokal na tanggapang pansangay, isinulat niya: “Pinupuri ko kayo sa pag-iimprenta ng kahanga-hanga, batay sa katotohanan, edukasyonal, at nakapagtuturong mga artikulo sa mga paksa na nasa inyong popular na magasing Gumising!” Ipinaliwanag ng lalaki: “Bagaman hindi ako isang miyembro ng relihiyon ng mga Saksi ni Jehova, lubusan akong nasisiyahan sa pagbabasa ng mga kopya ng magasing Gumising!, na hinihiram ko sa mga kaibigan. . . . Tuwing babasahin ko ang isang kopya, parang nais ko kayong sulatan upang papurihan kayo sa inyong kapaki-pakinabang na mga pagsisikap. Ngunit kapag susulat na ako, darating naman ang isa pang magasin at nagiging abala ako muli.”
Ang mapagpahalagang mambabasang ito ay nagtapos: “Sa aking pangmalas, ang Gumising! ay talagang mahalaga sa sinumang nakababasa. Mula sa kaibuturan ng aking puso, nais ko kayong pasalamatan nang maraming ulit.”
Ang Gumising! ay nagbibigay ng kaliwanagan sa maraming paksa. Higit sa lahat, pinatitibay nito ang pagtitiwala sa pangako ng Maylalang na isang mapayapang bagong sanlibutan ang hahalili sa kasalukuyang sistema ng mga bagay.
Ang 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay nagtatampok sa layuning iyon ng Diyos, anupat naglalaan ng impormasyon mula sa Bibliya upang ipakita kung ano ang dapat nating gawin upang tanggapin ang kaniyang pagsang-ayon. Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong magkaroon ng kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.