Pandaigdig na Pagkakaisa—Hindi Panaginip Lamang
Isang lalaki sa estado ng Kerala, India, ang sumulat sa tagapaglathala ng babasahing ito: “Ang inyong magasing Gumising! ay talagang namumukod-tangi sa lahat ng iba pang magasin. Sa pakiwari ko’y halos lahat ng paksa ay natalakay na rito. Ako’y lalo nang nasisiyahang magbasa ng mga artikulo tungkol sa kalikasan.”
Naging kawili-wili sa lalaking ito ang Gumising! sa isang partikular na dahilan, anupat ipinaliwanag niya: “Sa palagay ko’y wala nang ibang magasin ang makapapantay sa Gumising! sa pagtulong sa mga tao na may iba’t ibang nasyonalidad na malasin ang kanilang sarili bilang magkakapatid. Walang ibang magasin ang nagtataguyod sa ideya ng pandaigdig na pagkakaisa na gaya ng Gumising! Kapag inihahambing ko ang maraming magasin na binabasa ko, talagang masasabi kong ang Gumising! ay isang kapaki-pakinabang na magasin.”
Ang mga obserbasyon ng mambabasang ito tungkol sa Gumising! ay kaayon ng ipinahayag na layunin nito na lumilitaw sa pahina 4 ng bawat isyu, na nagsasabi: “Laging neutral ito sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi.” Higit sa lahat, inaakay ng Gumising! ang mga mambabasa na umasa sa ating Maylalang ukol sa mga sagot sa mahahalagang tanong sa buhay.
Gayundin ang ginagawa ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Kabilang sa 16 na aralin dito ay yaong pinamagatang “Sino ang Diyos?,” “Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?,” at “Ano ang Kaharian ng Diyos?” Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.