“Pakisuyong Tulungan Ninyo Ako! Kayo ang Aking Tanging Pag-asa”
ANG NASA ITAAS AY PAGTATAPOS NG ISANG DOKTORA sa Kaunas Medical University sa Lithuania sa kaniyang liham sa opisina ng mga Saksi ni Jehova sa bansang iyon. Ang doktora ay nagpaliwanag:
“Sinimulan kong basahin sa trabaho ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Binabalak kong gamitin ang impormasyon mula rito sa ilan sa aking mga artikulo, subalit may nangyari at nawala ang aklat. Maliwanag na may kumuha nito. Labis itong nakaligalig sa akin—ang katotohanan na naiwala ko ang isang bagay na napakahalaga. Pakisuyong padalhan ninyo ako ng isa pang kopya.
“Kailangang-kailangan ko ang aklat na ito sapagkat ako’y dumadalaw sa mga paaralan at gumugugol ng panahon na kasama ng mga kabataan, at ang aklat na ito’y nakatutulong sa akin na sagutin ang marami sa kanilang mga katanungan. Kung makatatanggap ako ng isa pang kopya, itatago ko ito sa bahay at iingatan ko ito. Ang aklat na ito ay naglalaman ng isang bagay na napakahalaga, at iyan ang dahilan kung bakit may kumuha nito. Sa mahirap na panahong ito, mahalagang may mapagkukunan ng lakas. Pakisuyong tulungan ninyo ako! Kayo ang aking tanging pag-asa.”
Tinatalakay ng aklat na Tanong ng mga Kabataan ang maraming katanungan na pinag-iisipan ng mga kabataan, gaya ng: “Papaano Ko Magagawang Mabigyan Ako ng Higit na Kalayaan ng Aking mga Magulang?,” “Dapat Ko Bang Lisanin ang Aming Tahanan?,” “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?,” “Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?,” “Tama Kaya ang Pagsisiping Muna Bago ang Kasal?,” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito nga’y Tunay na Pag-ibig?” Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga titulo ng kabanata. Upang makahiling ng isang kopya ng aklat na ito, punan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.