“Madalas Konsultahin ng mga Estudyante”
ISANG katiwala ng aklatan mula sa Divinópolis, sa estado ng Minas Gerais sa Brazil, ang sumulat sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brazil tungkol sa matamang interes na ipinakita ng mga estudyante sa magasing Gumising! Nagpaliwanag siya:
“Sa aklatan ng paaralang pambayan kung saan ako nagtatrabaho, tumatanggap kami paminsan-minsan ng mga donasyon na mga aklat at mga magasin na inilathala ng [mga Saksi ni Jehova]. Bagaman halos walang estudyante rito na Saksi ni Jehova, ang Gumising! ay madalas na kinokonsulta ng mga estudyante na nagsasaliksik sa iba’t ibang paksa. Halimbawa, ang isyu ng Setyembre 8, 2000 ay talagang lubhang kapaki-pakinabang dahil sa nakapagtuturong mga artikulo nito tungkol sa Olympic Games. Dahil dito, nais kong humiling sa inyo na paglaanan ninyo kami ng maraming iba’t ibang isyu ng Gumising! Sa palagay ko ay pareho ang ating interes sa paglalaan ng nakapagpapatibay-loob na mga babasahin para sa ating mga kabataan.”
Inilalarawan ng pahina 4 ng bawat isyu ng Gumising! kung bakit inilalathala ang magasing ito. “Pinakamahalaga,” ang paliwanag nito, “pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan na malapit nang humalili sa kasalukuyang balakyot at magulong sistema ng mga bagay.”
Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalaan din ng mga brosyur na espesipikong dinisenyo upang matugunan ang layuning iyan, na isa sa mga ito ay pinamagatang Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.