Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 2/22 p. 32
  • Kung Paano Siya Nagwagi ng Unang Gantimpala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Siya Nagwagi ng Unang Gantimpala
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 2/22 p. 32

Kung Paano Siya Nagwagi ng Unang Gantimpala

Isang kabataan ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Lusaka, Zambia, upang magpasalamat sa Gumising! Dahil sa magasing ito, ang paliwanag niya, siya’y nagtamo ng unang gantimpala sa isang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay para sa mga estudyante sa haiskul. Ang mga estudyante ay binigyan ng pamagat na “Ang Paligsahan sa Kalawakan​—Ang Pinakamalaking Pag-aaksaya ng Salapi sa Daigdig” at sinabihan na magsaliksik tungkol sa paksang ito. Ipinaliwanag ng kabataan:

“Di-nagtagal at nasumpungan ko ang Setyembre 8, 1992, na labas ng Gumising! Nasa magasin ang hinahanap ko. Ginamit ko rin ang mga hinalaw mula sa ibang labas ng Gumising!” Kabilang sa unang-gantimpalang premyo na tinanggap ng kabataan ang isang tseke na nagkakahalaga ng $75. May pagpapahalagang sinabi niya: “Para sa maraming tao, napatunayan mismo ng Gumising! na ito ay isang babasahing karapat-dapat sa gantimpala.”

Kapag pinag-iisipan ng mga tao sa buong daigdig ang programa sa kalawakan​—pati na ang mga plano ng mga pamahalaan na ipagtanggol ang kanilang mga teritoryo laban sa pagsalakay​—marami ang nagtatanong kung magkakaroon pa ba ng isang daigdig na wala nang digmaan. Ang tanong na ito mismo ang pamagat ng isang 32-pahinang brosyur na nagbibigay ng matibay na ebidensiya na magkakaroon ng gayong daigdig. Ngunit paano? at kailan?

Inaanyayahan ka naming basahin ang Will There Ever Be a World Without War? Makahihiling ka ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Will There Ever Be a World Without War?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share