Ikaw ay Inaanyayahan—Dadalo Ka Ba?
INAANYAYAHAN SA ANO? Sa pinakamahalagang pagpupulong na ginaganap taun-taon ng mga Saksi ni Jehova—ang paggunita sa kamatayan ni Kristo, salig sa Hapunan ng Panginoon na pinasimulan niya. Sinasabi sa atin ng ulat ni Mateo: “Kumuha si Jesus ng tinapay at, pagkatapos bumigkas ng pagpapala, pinagputul-putol niya ito at, nang ibinibigay sa mga alagad, sinabi niya: ‘Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng aking katawan.’ Gayundin, kumuha siya ng isang kopa at, nang makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila, na sinasabi: ‘Uminom kayo mula rito, kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng aking “dugo ng tipan,” na siyang ibubuhos alang-alang sa marami ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.’”—Mateo 26:26-28.
Ang kahalagahan ng mga pananalitang ito ay ipaliliwanag sa pagdiriwang sa taóng ito ng Hapunan ng Panginoon, na pumapatak sa Huwebes, Marso 28, paglubog ng araw. Umaasa kami na makadadalo ka. Pakisuyong alamin sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lugar ng pagpupulong. Ikaw ay malugod na tatanggapin.