Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 5/22 p. 32
  • Kaaliwan sa Tamang Panahon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaaliwan sa Tamang Panahon
  • Gumising!—2004
Gumising!—2004
g04 5/22 p. 32

Kaaliwan sa Tamang Panahon

Maraming tao ang nangangailangan ng kaaliwan sa mapanganib na mga panahong ito, lalo na kapag namatayan ng isang minamahal. Isang babae ang dumanas ng kirot sa magkasunod na pagkamatay ng kaniyang ina at ng kaniyang ipinagbubuntis na anak. Sumulat siya sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico: “Napakalaking kaaliwan sa akin ang pagtanggap ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ito’y napakahalagang impormasyon na dumating sa tamang panahon. Salamat sa inyong Kristiyanong pag-ibig at kasipagan sa paglalaan ng mga publikasyon sa Bibliya na gaya nito.”

Partikular siyang naaliw ng mga kasulatang sinipi sa brosyur. Halimbawa, binabanggit ng 1 Corinto 15:26: “Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.” Marahil ikaw o isa na kakilala mo ay makatatanggap din ng kaaliwan mula sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Tinatalakay ng Kapag Namatay ang Iyong Minamahal ang mga paksang gaya ng “Papaano Ko Mapagtitiisan ang Aking Pagdadalamhati?,” “Papaano Makatutulong ang Iba?,” at “Isang Tiyak na Pag-asa Para sa mga Patay.”

Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

Ilagay kung anong wika.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share