“Tuwang-tuwa ang mga Propesor Ko”
Iyan ang sinabi ng isang estudyante na nasa unang taon ng pag-aaral sa medisina sa Tbilisi State Medical University sa bansang Georgia nang lumiham siya sa mga tagapaglathala ng Gumising! Bakit sumulat sa Gumising! ang estudyanteng ito?
“Nagbabasa na ako ng inyong mga magasin mula pa noong 1998. . . . Talagang nakatutulong ang mga ito sa pag-aaral ko. Laging napapanahon at punô ng maaasahang impormasyon ang mga artikulo. Kamakailan lamang, ginamit ko ang impormasyon mula sa seryeng ‘Mga Stem Cell—Lumalampas Na ba ang Siyensiya sa Makatuwirang Hangganan Nito?’ na lumabas sa isyu ng Nobyembre 22, 2002 ng magasing Gumising!, para sa isang sanaysay na may paksang ‘Cloning at mga Uri ng Stem Cell.’ Tuwang-tuwa ang mga propesor ko, at binigyan nila ako ng pinakamataas na marka.
“Maligayang-maligaya ako sa paglalathala ninyo ng mga artikulo hinggil sa gayong kawili-wiling mga paksa, lalung-lalo na hinggil sa medisina. Ako pati na ang aking pamilya ay hindi naman mga Saksi ni Jehova, pero lubha kaming nasisiyahan sa inyong mga babasahin, dahil tumutulong ito para mapalawak namin ang aming kaalaman sa daigdig na nasa palibot natin.”
Baka magulat ka kapag nalaman mong nagtataglay ang Bibliya ng praktikal na patnubay na nakabubuti sa pisikal at mental na kalusugan. Itinatampok ang impormasyong ito sa kawili-wiling brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao na may 32 pahina. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.
Ilagay kung anong wika.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.