Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 2/22 p. 32
  • Bakit ba Napakaraming Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit ba Napakaraming Relihiyon?
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 2/22 p. 32

Bakit ba Napakaraming Relihiyon?

Isang babae ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Guatemala at ikinuwento ang kaniyang pakikipag-usap sa isang Saksi samantalang naglalakbay sakay ng bus. “Pinag-usapan namin kung bakit napakaraming relihiyon,” ang paliwanag ng babae. Sinabi niya na inilabas ng Saksi ang isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? at binuklat sa paksang “Papaano Mo Masusumpungan ang Tunay na Relihiyon?” “Nagulat ako sa paksa,” ang sulat ng babae. “Noon ko lamang natanto na dapat na iisa lamang ang grupo ng tunay na mananamba.”

Nang magkaroon siya ng pagkakataong mabasa ang brosyur, lubha siyang naantig. Kaya ipinaliwanag niya: “Sumulat ako upang malaman kung matutulungan ninyo akong makakuha ng isang kurso sa Bibliya na ginagamit ang brosyur na ito dahil nakatitiyak ako na taglay nito ang katotohanan.”

Ang 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay kasinlaki ng magasing ito. Bukod pa sa paksang binanggit sa itaas, sinasagot ng brosyur na ito ang mga tanong na gaya ng:

◼ Sino ang Diyos?

◼ Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa?

◼ Ano ang Kaharian ng Diyos?

◼ Paano ka magkakaroon ng isang maligayang buhay pampamilya?

Maaari ka ring makinabang sa pagbabasa ng Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share