Bakit Ito Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao?
◼ Alam mo ba na ang Bibliya ang pinakamalawak na naipamahaging aklat sa buong kasaysayan? Ipinaliliwanag ng 32-pahinang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao kung bakit minamahal at pinagtitiwalaan ng milyun-milyong tao ang Bibliya sa kabila ng mga pagtatangkang siraan at supilin ito.
Maikling inilalarawan sa brosyur na ito kung ano ang nilalaman ng Bibliya at kung bakit natin ito mapagtitiwalaan. Ipinakikita rin nito na ang Bibliya ay tumpak ayon sa siyensiya, bagaman ang ilang bahagi nito ay isinulat mahigit 3,500 taon na ang nakalilipas. Bukod dito, ipinaliliwanag ng brosyur kung paanong ang mga turo ng Bibliya ay praktikal na patnubay para sa modernong pamumuhay. Makikita mo kung paano natupad ang mga hula sa Bibliya na binigkas daan-daang taon bago naganap ang mga ito, anupat nagbibigay ito ng saligan upang manalig sa kamangha-manghang mga pangako sa Bibliya hinggil sa darating na matuwid na bagong sanlibutan.
Kung gusto mo ng isang kopya, punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nakalaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.