Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/06 p. 19
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2006
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Magbabahay-bahay’ ang mga Katoliko?
  • Legal na Pagkilala sa Alemanya
  • Mga Kabataang Tsino na Gumón sa mga Laro sa Internet
  • Pangunahing mga Lungsod ng Komersiyo
    Gumising!—1994
  • ‘Pagtatanggol at Legal na Pagtatatag ng Mabuting Balita’
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ipinagsasanggalang ang Mabuting Balita sa Legal na Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Higit Pa sa Katanyagan ang Nasumpungan Ko
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Gumising!—2006
g 8/06 p. 19

Pagmamasid sa Daigdig

◼ Ang nakaraang taon “ang pinakamainit na [taon na] naiulat sa Hilagang Hemisperyo” at ang “ikalawa sa pinakamainit [na taon] sa buong daigdig.” “Ang 8 sa 10 pinakamaiinit na taon [na naiulat] ay nangyari sa loob lamang ng nakalipas na dekada.”​—BBC NEWS, BRITANYA.

◼ Ang panahon ng mga bagyo sa Atlantiko noong 2005 ang may “pinakamarami” at “talagang masasabing . . . pinakamapanira” na mga bagyong naiulat. Pito sa 14 na bagyo ang naiulat na may bilis na higit pa sa 177 kilometro bawat oras.​—U.S. NATIONAL OCEANIC AND ATMOSPHERIC ADMINISTRATION.

◼ “Noong 1850, mahigit 150 ang glacier sa Glacier National Park sa Montana [E.U.A.]. Ngayon ay 27 na lamang.”​—THE WALL STREET JOURNAL, E.U.A.

◼ “Ang masakit na katotohanan may kinalaman sa patakaran ng mga pamahalaan tungkol sa pagbabago ng klima ay na walang bansa na gustong magsakripisyo ng ekonomiya nito para lutasin ang problemang ito.”​—TONY BLAIR, PUNONG MINISTRO NG BRITANYA.

‘Magbabahay-bahay’ ang mga Katoliko?

Ayon kay Cláudio Hummes, arsobispo ng São Paulo, ang bilang ng mga Katolikong taga-Brazil ay bumaba sa 67 porsiyento mula 83 porsiyento noong nakalipas na 14 na taon. Sinisisi ng arsobispo ang “kawalang-kakayahan [ng simbahan], dahil sa iba’t-ibang kadahilanan, na ipangaral nang lubusan ang ebanghelyo sa mga nabinyagang miyembro nito.” Sinabi ni Hummes: “Kailangan nating abutin ang mga tapat, sa bahay-bahay, sa mga eskuwelahan, sa mga institusyon, at hindi lamang sa mga parokya.” Binabanggit din ng Folha Online na ang gawaing ito ay kailangang isagawa ng lego na sinanay bilang mga misyonero. Ang kakulangan ng mga pari ang isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng Simbahang Katoliko sa Brazil at sa iba pang bahagi ng Latin Amerika sa pangkalahatan.

Legal na Pagkilala sa Alemanya

Sa isang desisyon na inilathala noong Pebrero 10, 2006, ang Federal Administrative Court sa Leipzig, Alemanya, ay nagpasiya na dapat kilalanin ng Estado ng Berlin ang Religious Association of Jehovah’s Witnesses sa Alemanya bilang isang pampublikong korporasyon. Dito natapos ang 15-taóng legal na pakikibaka, na sa mga panahong iyon ang kaso ay sinuri ng ilang magkakaibang hukuman sa Alemanya, kasama na ang Federal Constitutional Court. Bilang isang pampublikong korporasyon, may karapatan ang Religious Association of Jehovah’s Witnesses sa Alemanya na makakuha ng mga eksemsiyon sa buwis at iba pang mga pribilehiyo na ipinagkakaloob sa pangunahing mga relihiyon ng bansa.

Mga Kabataang Tsino na Gumón sa mga Laro sa Internet

“Laganap na sa mga kabataan sa Tsina ang pagkagumon sa mga laro sa Internet,” ang sabi ng South China Morning Post ng Hong Kong. Ang kalagayang ito ay mapapansin din sa mga kabataang nagmula sa ibang bahagi ng Silangan, tulad ng Hong Kong, Hapon, at Republika ng Korea. Binanggit ng pahayagan: “Ang tumitinding pagnanais na gumamit ng Internet at ipagwalang-bahala ang mga nasa paligid ay pagpapakita ng paglaban sa tila nakasasakal na pakikitungo ng lipunan sa mga bata dahil sa napakataas na inaasahan ng mga magulang at sa napakatinding kompetisyon para makapasok sa unibersidad.” Tinataya na anim na milyong batang Tsino ang nangangailangan ng tulong upang mapagtagumpayan ang pagkagumong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share