Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 11/06 p. 9
  • Talagang Nagmamalasakit ang Diyos!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talagang Nagmamalasakit ang Diyos!
  • Gumising!—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Paraiso—Malapit Na!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Talagang Nagmamalasakit sa Iyo ang Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • May Pag-asa sa Daigdig na Lipos ng Kapighatian
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
Iba Pa
Gumising!—2006
g 11/06 p. 9

Talagang Nagmamalasakit ang Diyos!

ANG paraan ng Diyos ng pagharap sa rebelyon na nagsimula sa Eden ay nagpapakita ng kaniyang masidhing pag-ibig sa bawat isa sa atin at ng kaniyang pagmamalasakit sa ating kinabukasan. Pakisuyong isaalang-alang ang sumusunod na mga katibayan na talaga ngang nagmamalasakit ang Diyos sa atin, at basahin ang binanggit na mga teksto sa iyong sariling kopya ng Bibliya.

● Ibinigay niya ang lupa, na punung-puno ng likas na kagandahan, kawili-wiling buhay-hayop, at mabungang lupain.​—Gawa 14:17; Roma 1:20.

● Binigyan niya tayo ng kamangha-manghang katawan upang masiyahan sa araw-araw, anupat nalalasahan natin ang masasarap na pagkain, nakikita ang paglubog ng araw, naririnig ang halakhak ng isang bata, at nadarama ang haplos ng isang minamahal.​—Awit 139:14.

● Binigyan niya tayo ng matalinong patnubay na tumutulong sa atin upang maharap ang mga problema at panggigipit.​—Awit 19:7, 8; 119:105; Isaias 48:17, 18.

● Binigyan niya tayo ng napakagandang pag-asa, pati na ng pag-asang mabuhay sa paraiso sa lupa at masaksihan ang pagbuhay-muli sa ating mga namatay na minamahal.​—Lucas 23:43; Juan 5:28, 29.

● Isinugo niya ang kaniyang bugtong na Anak upang mamatay alang-alang sa atin at matamo natin ang pag-asang mabuhay magpakailanman.​—Juan 3:16.

● Itinatag niya sa langit ang Mesiyanikong Kaharian at binigyan tayo ng napakaraming katibayan na malapit nang lubusang mamahala sa lupa ang Kaharian.​—Isaias 9:6, 7; Mateo 24:3, 4, 7; Apocalipsis 11:15; 12:10.

● Inaanyayahan niya tayong lumapit sa kaniya sa panalangin at ibuhos sa kaniya ang laman ng ating puso, at kapag ginagawa natin ito talagang nakikinig siya.​—Awit 62:8; 1 Juan 5:14, 15.

● Paulit-ulit niyang tinitiyak sa mga tao ang kaniyang masidhing pag-ibig at pagmamalasakit.​—1 Juan 4:9, 10, 19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share