“Napakabisang Gamit sa Pagtuturo!”
Iyan ang isinulat ng isang buong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova sa Panama tungkol sa Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?—isang 224-pahinang aklat na may makukulay na larawan at ginagamit ng marami ngayon sa pag-aaral ng Bibliya. “Ito ay talagang tuwiran, maayos ang paliwanag, at nakakakumbinsi,” ang isinulat niya. “Ang naiibang paraan ng paggamit sa mga reperensiya at apendise ay agad nagpapasigla sa isa na magsuri pa.”
Ganito naman ang isinulat ng isang guro sa Bibliya na taga-Missouri, E.U.A.: “Gustung-gusto ko ang simpleng paraan ng pagkakasulat nito. Napakalohikal ng pagkakasunod-sunod ng mga paksa.” Kalalabas pa lamang ng aklat na Itinuturo ng Bibliya, dinala agad ito ng guro sa isang babae na dating nag-aaral ng Bibliya pero huminto dahil nasiraan ng loob.
“Hindi pa niya natatapos basahin ang unang kabanata nang tawagan niya ako at sabihing labis siyang nasiyahan sa binabasa niya,” ang kuwento ng guro. Sinabi ng estudyante na ang aklat ay waring isinulat para sa kaniya at gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Bibliya. Binanggit ng guro na matapos nilang pag-aralan ang unang sampung kabanata, tuwang-tuwa siyang makita ang kagalakan ng estudyante sa mga bagay na natututuhan nito.
Bagaman wala pang dalawang taon mula nang ilabas ang aklat na Itinuturo ng Bibliya, mahigit sa 50 milyong kopya na ang nailimbag sa mahigit na 150 wika. Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.