Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 7/08 p. 32
  • “Talagang Napakaganda Nito!”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Talagang Napakaganda Nito!”
  • Gumising!—2008
Gumising!—2008
g 7/08 p. 32

“Talagang Napakaganda Nito!”

◼ Ganiyan inilarawan ng tagapangasiwa sa isang surbey tungkol sa pag-aasawa ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Isang mag-asawang ininterbyu para sa surbey ang nagbigay sa kaniya ng isang kopya ng aklat na ito at nagsabing nakatulong sa kanila ang pag-aaral sa aklat na ito para makapaghanda sila sa pag-aasawa.

Sumulat ang tagapangasiwa ng surbey para pasalamatan ang mag-asawa sa “napakagandang regalo” na ipinadala nila sa kaniya. Sinabi pa niya na umaasa siyang matuturuan ng mga mag-asawang tulad nila ang iba “kung ano ang kailangang gawin para maging matibay at maligaya ang pag-aasawa.” Naniniwala siyang ang mga publikasyong tulad ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay makatutulong sa mag-asawang ito na harapin ang mga problemang maaaring bumangon sa pagitan nila. Sinabi ng tagapangasiwa na nakatulong sa mag-asawang ito ang kanilang matibay na pananampalataya at pananalig sa tulong ng Diyos.

Ikinuwento ng tagapangasiwa na inilagay niya sa kaniyang mesa ang aklat at ipinakikita niya ito sa kaniyang mga estudyante kapag humihingi sila ng payo hinggil sa pag-aasawa. “Ngayon lang ako nakakita ng ganitong aklat,” ang sabi niya, “at talagang napakaganda nito!”

Libu-libong mag-asawa sa buong daigdig ang nakinabang na sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Makatutulong din ito sa iyo na mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya, na mas makapagpapaligaya sa iyong buhay pampamilya.

Maaari kang humiling ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share